Elijah, nalusutan? SWEETNESS NINA MILES AT KIKO, HULI SA CAMERA
ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 9, 2024

Ibang klase rin 'yung promo guesting nina Sarah Lahbati at Kiko Estrada sa Eat…Bulaga! last Monday para sa action series nilang Lumuhod Ka Sa Lupa.
Naglaro sa isang segment si Sarah habang nakasuporta si Kiko na kinaaaliwan ng marami ang tila bagong bihis nitong imahe.
Pero imbes nga mapokus solely sa tandem nina Sarah at Kiko ang guesting, tila mas nakatulong pa ang presence ni Miles Ocampo, bilang isa sa mga hosts ng show.
Grabe talaga ang kilig ng audience and viewers sa tila kung ano'ng merong special friendship kina Miles at Kiko.
Yes, naging tampulan nga ng tukso ang dalawa, gayung never naman silang nagkasama sa ipino-promote na action series.
Napakaganda ni Sarah at nagmukha namang bagets at pumayat na si Kiko na biglang lumakas ang karisma.
In fairness, ha, nakakakilig silang panoorin ni Miles sa mga nakukunan ng kamera na "sweetness" nila.
Hmmm, akala ba namin, nagkabalikan sina Miles at Elijah Canlas? Hahaha!
Sey naman ng netizen, kung sa ibang show at channel daw ang ganu'n, pipiliting lagyan ng konek ang mga bida at sure na hindi papayagang ma-defocus ang promo.
Kumbaga, pagbabawalan nila ang sa tingin nila ay "panira" sa gimik, hahaha!





Comments