Elihu Ybañez, bagong PCGG commissioner

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 15, 2024

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dating Court of Appeals Associate Justice na si Elihu Ybañez bilang bagong commissioner ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Tungkulin ng ahensya na marekober ang 'ill-gotten wealth' ng pamilya Marcos at kanilang mga kaalyado.
Pinangalanan ng Presidential Communications Office (PCO) si Ybañez bilang bagong commissioner kasama ang iba pang mga itinalagang opisyal sa iba't ibang departamento sa isang Facebook post.





Comments