top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

Elevator ng dialysis clinic, sakay ang 5 pasyente, bumagsak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 hours ago
  • 1 min read

by Jeff Tumbado @News | September 1, 2026



Elevator ng dialysis clinic, sakay ang 5 pasyente, bumagsak

Photo: FP



Lima ang nasaktan makaraang bumagsak ang elevator ng isang dialysis clinic sa Brgy. Kalaklan, Olongapo City umaga ng Lunes.


Pasado alas-6 ng umaga, sinasabing pumalya ang kable ng elevator bago huminto ng ilang segundo hanggang sa bumagsak sa unang palapag.


Napag-alamang nasa limang pasyente ang sakay at nasaktan sa pagbagsak ng elevator.

Agad namang binigyan ng atensyong medikal ang mga pasyente na karamihan ay nakaranas ng pananakit ng kanilang hita, bewang at braso.


Patuloy namang tinutukoy ang sanhi ng pagkadiskaril ng kable ng elevator.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page