top of page
Search
  • BULGAR

Elevated walkway sa EDSA, epektib kung safe

@Editorial | April 28, 2024



Editorial


Plano ng Department of Transportation (DOTr) na maglagay ng mga elevated walkway sa ilang bahagi ng EDSA.


Ilalagay umano ang mga ito sa mga lugar kung saan maraming mga naglalakad at tumatawid.


Isa rin umano sa mga sinasabing sanhi ng pagbagal ng mga sasakyan ay ang pagdaan ng mga pedestrian sa kalsada.


Kapag sa taas na ang mga walkway, inaasahan daw na magiging convenient, ligtas at maayos na ang nasabing mga walkway.


Maganda ang plano at posible ngang makabawas sa trapik at makakapagbigay pa ng ligtas na daanan para sa publiko. Kailangan lang na matutukan at mailayo sa anumang masamang banta.


Batid naman natin na may ilang walkway na hindi na dinadaanan dahil bukod sa walang ilaw, lantad pa sa mga kawatan. Ito ang bagay na dapat ay matugunan ng mga otoridad.


Ganundin ang mga footbridge na kung hindi sobrang taas, ginagawang mala-palengke o ‘di kaya’y tambayan ng mga pasaway.


Siguro, habang pinaplano ang elevated walkway sa EDSA, pagtuunan din ang mga existing na tulay. 


Sa totoo lang, kung maayos lang ang mga lansangan, kahit paano ay maeengganyo ang publiko na maglakad -- exercise na, tipid pa.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page