Elegant Lady, kikilatisin sa 3-YO Maiden Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | February 04, 2022
Puntirya ng mga karerista ang mga carry over na paglalabanan ngayong araw sa pista ng San Lazaro sa Carmona, Cavite.
Tatlong carry over ang ilalarga sa Race 2, ito'y ang Pick 6, Super 6 at Pentafecta. May double carry over sa Pick 6 na P504,651.16, sa Super 6 ay P30,990.80 habang sa Pentafecta ay may P28,338.60.
Pero paniguradong pahirapan sa pagpili ang mga karerista dahil bukod sa balanse ang line-up ay may 12 kalahok na kabayo.
"Mahirap mag-single bet dyan, para malaki ang tsansa na maka 1 point sa Pick 6 ay dapat tatlo hanggang apat na ang pipiliin na kabayo," saad ni Felix castillo, karerista.
Posibleng maging liyamado sa tayaan sina Amaretto Sour at Janni Banni na sasakyan nina JA Guce at IL Aguila ayon sa pagkakasunod.
May habang 1,500 meter race, ang ibang kasali ay sina It's A Deal, Work From Home, Lil John, Blue Mist, Frankly Perfect, Lucky Julliane, Pharaoh's Queen, Run And Gun, Gethsemanesmiracle at Arrogante.
Ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta ang added prize na P25,000 habang may karagdagang premyo na P5,000 sa winning horse owner.
Samantala, mapapalaban si Elegant Lady pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden race na pakakawalan sa unang karera. Sasakyan ni class A rider Rodeo Fernandez, inaasahang makikilatis si Elegant Lady kay Eazacky ayon sa ibang karerista.
Bukod kay Eazacky na rerendahan ni veteran jockey JA Guce, ang ibang makakatagisan ng bilis ni Elegant Lady ay sina Maximum Speed, Carried Away, Che Che at Mainlander.
Magtatagisan ng bilis ang mga kabayo sa distansiyang 1,400 meter race, ang event na may nakalaan na added prize na P10,000 para sa mananalong 3-Year-Old horse ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).
Samantala, may 7 karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya paniguradong masisiyahan ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1. Elegant Lady (2), Eazacky (6)
Race 2. Run And Gun (10), Janni Banni (9), Lucky Julliane (7)
Race 3. Star Of Kidapawan (3), Isa Pa Isa Pa (8), The Queen (12)
Race 4. Batang Cabrera (2), Concepcion (4)
Race 5. Antonio DelaMugis (5), Great Year (12), Titanium (6)
Race 6. Runaway (5), Dragon Butterfly (1), Speeding Hero (8)
Race 7. Forrest Gump (10), Kiss Muna (8), Indy Bell (2)
Patok - Elegant Lady
Pandehado - Run And Gun, Star Of Kidapawan, Runaway





Comments