Electric cars, gagamitin sa Makati kontra polusyon
- BULGAR
- Jan 18, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 18, 2024

Sinabi ni Mayor Abby Binay na maipapadala ang lahat ng Hyundai IONIQ 5 units sa mga pangunahing lugar upang tiyakin ang mabilis na pagtugon sa mga emergency.
“As a city, we recognize our critical role in addressing environmental concerns. By introducing electric vehicles into our public safety fleet, we not only enhance our emergency response capabilities but also contribute to reducing air pollution and our overall environmental impact,” pahayag ni Binay ngayong Huwebes.
Dagdag pa niya, mayroong 58-kWh lithium-ion battery pack ang mga sasakyan, na nagbibigay daan para kanilang mai-charge mula 10 hanggang 80 porsyento sa loob ng 18 na minuto.
Upang tiyakin ang patuloy na operasyon ng mga sasakyan, sinabi ni Binay na mayroong tatlong charging station na pwedeng gamitin sa Makati City Hall, Palanan Barangay Hall, at Guadalupe Viejo Barangay Hall.





Comments