El Niño, hindi kritikal — PBBM

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 8, 2024

Walang balak na magdeklara si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ng "national emergency" dahil sa El Niño, pahayag niya sa isang panayam sa Bacolod City nitong Lunes.
Inihirit niya na hindi naman kritikal ang tag-init na nararanasan ng bansa.
“Ang katotohanan niyan lahat maaapektuhan, ngayon gaano kalala ang magiging effect ng El Niño... It's really, ang mga probinsya sa western side na... Western Luzon tapos dito Region 6. So those are the areas na nagde-declare ng calamity but the other areas, although ramdam pa rin, hindi naman critical,” ani Marcos.
“As a matter of fact, kasi naglagay nga tayo ng mga dam, patuloy na inaayos ang ating irigasyon, we should and we are trying to find new techniques of planting. We are harvesting more palay now than we are last year, that's despite the El Niño, so it's taking effect,” dagdag niya.
Sa ngayon, umabot na sa 18 ang bilang ng mga lokal na pamahalaan na nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng patuloy na El Niño, Ayon sa Task Force El Niño.





Comments