El Niño agri damage, higit ₱1-B na — NDRRMC
ni Angela Fernando - Trainee @News | March 6, 2024

Umabot na sa higit ₱1-bilyong pinsala sa agrikultura ang naging epekto ng El Niño, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Miyerkules.
Base sa ulat, sinabi ng NDRRMC na ang kabuuang pagkawala sa produksyon at halaga ng pinsala sa agrikultura ay tinatayang P1,056,379,891.
Nakapagtala ang Kanlurang Kabisayaan ng pinakamataas na halaga ng pinsalang agrikultural na umabot sa P678,705,381, sinusundan ng Mimaropa na may P319,755,957, Ilocos na may P54,450,077, Calabarzon na may 2,750,947, at Zamboanga na may P717,527.
Samantala, naapektuhan ang kabuuang 23,086 magsasaka at mangingisda pati na rin ang 17,718 ektarya ng pananim sa bansa dahil sa El Niño.





Comments