Eksperto, kailangan sa Dept. of Agri, trapo out
@Editorial | June 17, 2023
Hanggang ngayon ay wala pa ring naitatalagang kalihim sa Department of Agriculture.
Ayon kay Pangulong Bongbong Marcos, naghihintay siya na may mag-volunteer.
Tinanong umano niya ang lahat ngunit walang gustong magboluntaryo at ayaw daw siyang paalisin bilang Agri secretary.
Nakakapagtaka lang na bakit naghihintay pa ang Pangulo kung sino ang gustong maging secretary kung puwede naman siyang mamili ng karapat-dapat para sa posisyon?
Batid naman natin na matindi ang kontrobersiya sa ahensya at talamak pa ang smuggling.
Kaya nararapat lang na magtalaga na ng opisyal na eksperto, aktibo at kayang tugunan at sugpuin ang krisis na ito. Higit sa lahat, ‘yung may konsensya na kayang ipatupad ang mabuti at tama.
Awat na sa pagbibigay ng kapangyarihan sa mga trapo, plis lang.
Sana maliwanagan ang Pangulo na kailangan nang pumili ng kalihim sa DA, ngayong sunud-sunod ang kalamidad, tiyak na magkakaproblema na naman sa supply ng pagkain, susunod na ang taas-presyo at sasamantalahin na ng mga sindikato ang pagkakataon para gumawa ng pang-aabuso sa sitwasyon.



Comments