top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Eere pa lang, tigbak na… KRIS, UMAMING 'DI KAWALAN ANG NAUDLOT NA SHOW SA TV5

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2020
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | July 8, 2020




Usap-usapan sa social media kahapon (Martes, July 7) na hindi na raw matutuloy ang gagawin sanang talk show ni Kris Aquino sa TV5 titled Love Life with Kris Aquino.


Hindi station produced ang nasabing talk show. Blocktimer ito na ang producer ay ang Positive Exposure Productions.


Inanunsiyong sa July 25 (Saturday), 5 PM na dapat ang pilot telecast nito at mapapanood weekly, subali't ito'y muling nagkaroon ng problema.


Nag-announce na rin si Kris sa kanyang social media account the other day na magte-taping na siya for the show, pero ayon sa isang taong malapit sa TV host, hindi na matutuloy ang show.


“Maganda ang intensiyon ng show ni Kris. Mas gusto niyang makapagpagaan, hindi maging pabigat. 'Yun sana ang show, magdala ng gaan at tulong,” ayon sa isang source na malapit sa Queen of All Media.


Ayon daw sa pahayag ni Kris, “Ang dami-dami nang problema ng mga tao, 'di na ako dapat dumagdag pa.”


Sa ngayon ay gusto munang manahimik ni Kris sa nangyaring pagkakaudlot ng nasabing show bagama't positibo naman nitong naiintindihan kung bakit ito'y nakansela.

Ani Kris, “Let’s let this battle go. There are ones worth fighting, this isn’t one of them.”


Nag-deactivate na rin si Kris ng kanyang social media account at ayaw muna niyang magbigay ng kahit anong komento.


Ayon sa source ng PUSH, tila may hindi napagkasunduan ang producer ni Kris at ang TV5 kaya hindi nag-pursue ang show. Sinusubukan pa rin daw mag-usap ng dalawang kampo ngayon and hopefully, maging maayos ang lahat.


Matatandaan na a few days ago ay excited na in-inform ni Kris ang kanyang mga followers tungkol sa kanyang pagbabalik-telebisyon o ang “new chapter” na kanyang sinasabi, kasabay ng contract signing kasama ang Cornerstone Management.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page