top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Edwards, bagong kampeon sa UFC, tulog ang ex-champ

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2022
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 25, 2022



Bumitaw ng matinding head kick si Leon “Rocky” Edwards upang pabagsakin si defending welterweight champion Kamaru “The Nigerian Nightmare” Usman na nagtapos sa fifth round knockout upang makabawi sa rematch sa main event ng UFC 278 sa Vivint Arena sa Salt Lake City, Utah, Linggo ng hapon (oras sa Pinas).


Natiyempuhan ng 30-anyos na British fighter ng isang kaliwang sipa sa 56 segundo ng final round, kung saan naghihintay na lamang ng pagkakataon si Usman upang makuha ang kanyang ika-anim na sunod na pagdepensa sa titulo. Solido ang pagkakatama sa mukha ni Usman na agad na nagpabagsak dito na lubhang ikinagulat ng lahat ng manonood ng live at sa telecast. Hindi na nagawa pang sundan ng atake ni Edwards si Usman pagbagsak, na nagdaan para magdiwang ito sa nakitang paghandusay ng dating kampeon.


Ito na marahil ang pinakamatindi at pinakamalupit na pagtatapos sa kasaysayan ng UFC para matapos sa 4:04 ng 5th round. Dahil sa pagkatalo, naunsyami ang pagkakataon na mapantayan ni Usman si Anderson Silva para sa record na 16 na sunod na panalo at gawing kauna-unahang Jamaican-born champion si Edwards sa kasaysayan ng UFC.


Maagang nagpasimula at tinapos ni Edwards ang bakbakan. Nagawang pabagsakin ni Edwards si Usman sa unang round na siyang unang beses nangyari kay Usman na sinundan ng pagtatangka sa rear naked choke, subalit masuwerteng nakabangon at nakatakas sa first round.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page