top of page
Teddy Corpuz - IG.jpg

Edad ng mga dapat managot sa krimen, pinabababaan ni Sen. Robin… BB SA MGA SENADOR: IT’S JUST COMMON SENSE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | June 28, 2026



Robin Padilla at BB - FB

Photo: Robin Padilla at BB - FB



Nagpunta sa Tacloban City si Sen. Robin Padilla at ang kapatid na si BB Gandanghari at habang nasa sasakyan pabalik ng Manila, ikinuwento ni Robin kung paanong pinasaya ni BB ang mga tao sa airport.


Nag-Facebook (FB) Live si Robin at naki-share si BB, kung saan nanawagan siya kina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta. May kinalaman ang kanyang panawagan sa isinusulong ni Robin na babaan ang age of criminal responsibility ng mga menor-de-edad.


Pahayag niya, “I’m actually parang nanawagan ako kay Sen. Kiko. Kasi alam n’yo, ipinagkampanya ko po si Sen. Kiko noon. At ipinaalala ko ito kay Sharon. At sinabi ko ito, ipinagkampanya ko si Sen. Kiko nu’n dahil naniniwala ako kay Sharon.


“Pero Sharon, ngayon nananawagan ako sa ‘yo. Parang ‘di na yata ako naniniwala, parang binabawi ko na po ‘yun.


“Unang-una, kami po pinalaki ng mga magulang namin sa disiplina. My dad and my mom didn’t spare the rod para disiplinahin kaming lahat. At lumaki po kami na may takot sa Diyos, may takot sa magulang, may takot sa authorities, may takot sa mga teachers, principal, sa lahat po.


“‘Di po ako laging nagsasalita kasi umiiwas po ako sa pulitika but this time, this is not political. Kaya kayo gumagawa ng batas para protektahan ‘di lang ang mga bata kundi ang mga magulang din.”


Kasunod nito, may panawagan si BB sa mga mambabatas na i-consider ang proposal ni Robin to lower the age of criminal responsibility of minors.


Aniya, “Sana naman, eh, ‘di lang puro ‘yung side ninyo ang pakinggan ninyo. Tingnan din n’yo ‘yung side why we are pushing for this, why my brother is pushing for this. ‘Di po ito pulitika, ‘di po ito para mag-grandstand, but it is really valid at meron pong cost, eh.


“Sana maintindihan lang po ‘yun ng mga senador natin. Nakapag-aral naman tayong lahat. It’s simple logic. It’s just common sense.”


Wala pang reaksiyon sina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta sa panawagang ito ni BB Gandanghari.



Inalok ng one-night stand…

HERLENE KAY GOV.: P*KYU, SA ‘YO NA P150 K MO!



May pahabol na comment si Herlene Budol sa nagpakilalang gobernador na nag-offer sa kanya ng one-night stand. 


Hindi lang ang gobernador ang nakabasa ng kanyang sagot, pati ang mga followers ni Herlene.


Unang ipinost ni Herlene ang message sa kanya ng nagpakilalang gobernador, ang amount offered at ang kanyang sagot.


“Hello, I’m Gov. Can I ask if available ka for one-night stand at magkano?” At sinundan ng message na, “P150K.”


Sagot ni Herlene, “Hello Gov., p*kyu, sa ‘yo na ang P150K mo! Itulong mo na lang ‘yan sa nasasakupan mong lugar. God bless. Hahaha!”


Sinundan pa ito ng comment ni Herlene na, “Women are not for sale! Let’s normalize respect, not objectification.”


Na-curious ang mga netizens kung sino ang gobernador na nag-message kay Herlene at handang magbayad ng P150 thousand for a one-night stand. Dapat daw ay pinangalanan siya ni Herlene para malaman kung tunay siyang gobernador at baka nagpapanggap lang para lokohin si Herlene at pumayag sa offer.


Hindi naisip ng mga nagre-request na kapag pinangalanan ni Herlene ang gobernador ay puwede siyang mademanda kapag nagbanggit ng pangalan. Hindi naman kasi sure kung tunay na gobernador iyon at kapag binanggit ni Herlene Budol ang pangalan, may posibilidad na mag-deny lang at magdemanda.




Tinawag na Lotus Feet sa It’s Showtime…

RYZZA, IN-UNFOLLOW DAW SI KIM


HINDI pa tapos ang isyu nina Kim Chiu at Ryzza Mae Dizon na nag-ugat dahil inakalang si Ryzza Mae ang tinukoy ni Kim na ‘Lotus Feet’ sa It’s Showtime. Ang daming nag-comment. May pabor kay Kim dahil joke lang ang sinabi nito.


Saka, hindi naman daw si Ryzza ang tinukoy ni Kim kundi ang hitsura ng co-host niya sa It’s Showtime (IS) na si Jugs Jugueta. 


Ang payo ng mga fans ni Kim sa mga namba-bash dito, panoorin muna ang buong video para malaman na walang masamang sinabi si Kim kay Ryzza.


Ang latest, in-unfollow daw ni Ryzza si Kim sa Instagram (IG) pagkatapos ng episode na ‘yun sa IS. Pero baka naman hindi talaga naka-follow si Ryzza kay Kim at ngayon lang napansin dahil sa isyu.


Wala pang pahayag si Kim sa iniisyu sa kanya at lalong walang reaksiyon si Ryzza. NR o no reaction ito at comment ng mga netizens, maganda kung hindi na magsasalita ang dalawa para matigil na ang isyu.


Mainit pa naman ngayon ang IS at Eat… Bulaga! (EB!) na pinagtatapat na naman ng mga fans dahil sa lumalakas na tambalan nina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page