top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg

Edad 14, ipinasok sa CR ng barangay hall para abusuhin... 71-anyos na kagawad, kulong 

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 12, 2026



71-anyos na barangay kagawad sa South Upi, Maguindanao del Sur - PNP

Photo: PNP



Inaresto ng pulisya ang isang 71-anyos na barangay kagawad sa South Upi, Maguindanao del Sur kaugnay ng umano'y tangkang panggagahasa sa isang 14-anyos na dalagita.


Ayon kay Police Regional Office–Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) spokesperson Capt. Steffi Salanguit, kinilala ang suspek sa alyas Lando.


Sa ulat ng South Upi Municipal Police Station (SUMPS), naganap umano ang insidente noong Pebrero 2026 nang harangin ng suspek ang biktima habang papunta ito sa isang tindahan.


Dinala umano ng suspek ang dalagita sa loob ng barangay hall at ipinasok sa isang palikuran.


Sa salaysay ng biktima sa mga awtoridad, pinagbantaan umano siya ng suspek na sasaktan, at maging ang kanyang pamilya kapag nagsumbong.


Ayon sa pulisya, hindi natuloy ang umano'y tangkang panggagahasa nang may ibang tao na namataan sa loob ng compound ng barangay hall.


Agad na isinumbong ng biktima ang pangyayari sa kanyang ina, na nag-ulat naman sa pulisya.


Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 27 sa Cotabato City.


Isinagawa ang operasyon laban sa barangay official ng PNP Anti-Kidnapping Group Mindanao Field Office sa pakikipagtulungan ng mga operatiba ng PRO-BAR.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Anti-Kidnapping Group ang suspek habang nagpapatuloy ang pagproseso ng kaso.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page