Edad 13, bawal magsuot ng hijab
- BULGAR

- 60 minutes ago
- 1 min read
ni Justine Berganio @Overseas News | September 8, 2026

Photo: File
Ipinatupad na sa Austria ang bagong batas na nagbabawal sa pagsusuot ng hijab at iba pang tradisyonal na Muslim head coverings sa mga paaralan para sa mga batang babae na wala pang 14 taong gulang.
Ayon sa gobyerno, layunin nitong protektahan ang mga batang babae at isulong ang gender equality. Pero mariing tinututulan ito ng Islamic Religious Community in Austria, na nagsabing nililimitahan nito ang religious freedom at maaaring magtulak sa Muslim girls na maibukod.
Inatasan ang mga guro na kausapin muna ang estudyante at legal guardian kapag nakitang lumalabag sa ban. Kapag paulit-ulit ang paglabag, maaaring i-report sa child services at sa huli ay pagmultahin ang guardian ng hanggang €800 (P58K).
Tutol din ang ilang guro dahil dagdag umano ito sa kanilang trabaho. Samantala, nais pa ng far-right Freedom Party na palawakin ang pagbabawal para isama ang headscarves at face coverings ng mga estudyante at guro.
Noong 2020, ibinasura ng Austria’s Constitutional Court ang naunang headscarf ban sa primary schools dahil taliwas umano ito sa religious neutrality. Dahil dito, maaaring kuwestiyunin sa korte ang bagong batas.
Sa France, mahigit dalawang dekada nang ipinagbabawal sa mga paaralan ang kapansin-pansing religious symbols, kabilang ang headscarves, turbans at kippas. Mas partikular naman sa Muslim head coverings ang bagong Austrian law.





Comments