top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Eco Oil-DLSU at Marinero agawan sa Game 3 ng D-League

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 31, 2022
1 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 31, 2022



Matapos ang isang linggong paghihintay ay magkakaalaman na kung sino sa EcoOil-De La Salle at Marinerong Pilipino ang mag-uuwi ng kampeonato ng 2022 PBA D-League Aspirants sa Game 3 ngayong araw sa Araneta Coliseum simula 12:00 ng tanghali.


Nakauna ang Marinero, 72-67, noong Agosto 21 subalit pinantay ng Green Archers ang serye, 70-63, noong Agosto 24.


Mabigat ang nakasalalay sa balikat ni Juan Gomez de Liano na patunayan na karapat-dapat na siya ang hinirang na Best Player of the Conference bago ang Game 2 at itulak ang Skippers sa kanilang unang kampeonato sa liga. Tiyak na hindi niya ito magagawa mag-isa at kailangan na pumutok ng isa pa at huling beses sina Jollo Go, Arvin Gamboa at Adrian Clarence Nocum kasabay ng depensa nina Kemark Carino at Warren Bonifacio.


Ibinitin ng EcoOil ang kaligayahan ng Marinero sa Game 2 sa likod ng halimaw na numero ni Michael Phillips na 18 puntos, 14 rebound at apat na tapal at tinulungan nina Deschon Winston na may 15 at Cyrus Austria na may 11 puntos. Pumangalawa si Phillips sa karera para sa Best Player subalit hindi niya inisip ito at inamin na nakatutok siya sa paghatid ng kampeonato.


Ang panalo ng EcoOil sa Game 2 ang unang beses na nagtagumpay sila sa Marinero.


Maliban sa Game One, nanaig din ang Skippers sa elimination round, 84-64, noong Hulyo 12 sa likod ng 27 puntos ni Gomez de Liano subalit mayroon lang siyang kabuuang 23 puntos sa huling dalawang laro sa serye.

Laro ngayong Miyerkules – Araneta Coliseum 12:00 PM Marinerong Pilipino vs. EcoOil-DLSU

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page