- BULGAR
Eco-DLSU at Marinerong Pilipino buwenamano wins sa D-League
ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 10, 2022

Lumiyab ng maaga ang laro ng Eco Oil-De La Salle at tinambakan ang Builders Warehouse-UST, 112-82, sa ikalawang araw ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup sa Araneta Coliseum kahapon. Sa sumunod na laro, nagising sa tamang panahon ang Marinerong Pilipino upang masugpo ang Apex Fuel-San Sebastian, 86-74.
Bumanat agad ng 10 puntos sa unang anim na minuto si Michael Phillips upang itulak ang Green Archers sa 18-13 na lamang. Hindi pa sila tapos at winakasan ang first quarter sa 10 sunod-sunod na puntos sa likod nina Aaron Buensalida, Joaquin Manuel at Raven Cortez para sa 32-15 lamang at hindi na nakaporma ang Tigers.
Umabot ng 36 puntos ang lamang ng Green Archers matapos ang dalawang free throw ni Phillips, 66-30, at 8:37 ang nalalabi sa third quarter. Inalagaan na nila ang lamang kahit nagawang bawasan ng bahagya ng Tigers ang agwat sa fourth quarter.
Nagtapos si Best Player Phillips na double-double na 23 puntos at 13 rebound habang ang kanyang kuya Ben Phillips ay nagdagdag ng 16 puntos at walong rebound. Sumunod sina CJ Austria na may 15 puntos at Manuel na double-double din bilang reserba na 13 puntos at 10 rebound.
Nanguna sa Tigers sina Nic Cabanero na may 21 at Sherwin Concepcion na may 19 puntos subalit naghanap ng tulong sa mga kakampi. Gumawa ng 18 puntos bilang reserba si rookie Kean Baclaan at walang ibang Tiger ang umabot ng 10 puntos.
Mga laro sa Martes – Ynares Sports Arena
11:00 AM Eco Oil vs. Marinero;
1:00 PM AMA vs. Wangs;
3:00 PM Adalem vs. CEU.