Echo, inamin na si Janine… PAULO, TAMEME PA RIN SA RELASYON NILA NI KIM
- BULGAR

- Aug 22, 2024
- 2 min read
ni Beth Gelena @Bulgary| August 22, 2024

Inokray na naman ni Vice Ganda ang kasamang co-host sa It’s Showtime (IS) na si Kim Chiu.
Sa nakaraang episode ng noontime show, muling dinikdik ni Vice si Kim kung ano na ang current status ng kanyang love life lalo't mag-iisang taon na rin silang hiwalay ni Xian Lim.
Tinanong ni Vice si Kim kung naipakilala ba siya sa pamilya ng dati niyang karelasyon na si Xian.
“Oo,” ang sagot ni Kim.
Ang follow-up na tanong ay ang tungkol sa kanyang current love life, pero hindi na ito sinagot ni Kim.
Pagbabahagi niya, “The great feeling it brings for someone to finally bring you to his or her family and be welcomed in a warm way.”
Tanong tuloy ng mga netizens:
“Bakit hindi sinagot ni Kim ang follow-up question? Hindi pa ba sila ni Paulo o ayaw pa n’yang umamin?”
“Eh, 'di ba nga, ang sabi, may aaminin daw ang KimPau sa opening ng movie nila? Baka ito na ‘yun, naghihintay lang ng playdate.”
“Asus, as if naman aamin si Paulo. Noon nga sa kanila ni Janine Gutierrez, kahit ipinakilala na n’ya ang anak na si Aki kay LJ Reyes, never siyang umamin na naging sila ni Janine. Tapos, ayun, ang balita, hiwalay na sila.”
“‘Pag tinatanong naman kasi si Paulo, ngiti lang ang laging sagot.”
Sabi tuloy ng isang netizen, “Mabuti pa si Echo, gentleman, ‘di idinenay si Janine.”
Komento naman ng isang netizen, “Sana kung sila na ni Kim, panindigan na n’ya. Feeling ko kasi, parang pinapasakay lang n’ya ang Chinita Princess, eh. Kasi nao-overwhelm s’ya sa kasikatan ng KimPau.”
Hala, Paulo Avelino, ano ang masasabi mo sa komentong ‘yan? Bukas ang BULGAR para sa pahayag mo.
Ipinasilip ni Belle Mariano sa Instagram ang bagong bahay na ipinagagawa niya at aniya sa caption: “Almost there.”
May post din siyang tila ang kabuuan ng kanyang bahay ay full of grass ang landscaping.
Isa si Donny Pangilinan sa mga agad na nagkomento ng “Exciting.”
Maging si Mr. Pure Energy Gary Valenciano ay nagsabing, “Oooooh, exciting Belle! Happy for you.”
Nag-reply ang actress-singer, “@garyvalenciano supportive as always. Thank you, Sir Gary.”
“So so happy for you,” sey naman ni Camille Prats.
Nag-umpisang i-construct ang bagong bahay ni Belle noong February 2023.
Aniya nga nang mag-groundbreaking ceremony sila, “Still pinching myself! Dreams really do come true!”
“I share this humbling moment to all of you who walked with me on this journey,” dagdag pa ni Belle.
Masayang inanunsiyo ni Ivana Alawi na umabot na sa 18 million ang kanyang YouTube (YT) subscribers.
Bilang pagdiriwang, naghanda siya ng pares para sa 1,800 katao na makakapunta sa kanyang selebrasyon na ginanap nung Aug. 13. Namahagi rin siya ng pera sa mga masusuwerteng subscribers na dumating.
At kahit 'di niya subscriber, basta’t pumunta sa ‘Mr. Pares’ branch na nagpaunlak na maging bahagi ng selebrasyon ni Ivana ay pinakain niya.
Bukod dito, namigay din siya ng P500 sa mga pumunta na naka-subscribe sa kanyang YT channel.
Labis ang pasasalamat ni Ivana sa patuloy na sumusuporta sa kanya, kaya patuloy ang pagbabahagi niya ng mga biyaya.




Comments