top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ebidensiyang may dagdag-proteksiyon ang face shield vs. COVID-19, ilabas!

BULGAR
Sep 21, 2021
2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | September 21, 2021


Palaisipan pa rin sa marami nating kababayan kung talagang nakapagbibigay ng dagdag-proteksiyon kontra COVID-19 ang paggamit ng face shield.


Habang naniniwala ang Department of Health (DOH) na may ebidensiya pa rin na may dagdag-tulong ang face shields, base sa guidelines at pagsusuri ng mga mapagkakatiwalaang medical institutions, ano nga ba ang masasabi ng mga eksperto hinggil dito?


Base sa pag-aaral ng isang wind engineer, mas mataas umano ang tsansang makasagap ng virus kapag suot ito. Sa pag-aaral at ginawang simulation ng isang wind dynamics expert, sinabi niyang mas mataas ang tsansang makasagap ng virus dahil sa nagiging daloy ng hangin kapag may harang sa mukha o nakasuot ng face shield.


Naniniwala ito na dapat lang gamitin ang face shield sa mga ospital kung saan may malalaking droplet o talsik ng laway, halimbawa sa COVID-19 patients.


Ngunit sa kabilang banda, iginiit ng medical experts na may benepisyo pa rin ang paggamit ng face shield bilang dagdag-proteksiyon laban sa COVID-19.


Ayon sa isang doktor, hindi naman masamang magkaroon ng dagdag-proteksiyon at ang isang tulong ng face shield ay naiiwasan ang paghawak sa mga mata, ilong at bibig.


Matatandaang sinabi ng World Health Organization (WHO) noong Agosto na nagsasagawa sila ng pag-aaral hinggil sa pagiging epektibo ng face shields para mapababa ang hawaan ng COVID-19.


Sa totoo lang, nananatiling hati ang opinyon ng publiko hinggil sa paggamit ng face shield. Habang naniniwalang may dagdag-proteksiyon ito, ‘yung iba ay nagsasabing pahirap at dagdag-gastos lang, at hindi naman isinusuot nang tama.


Isa lang naman ang nais malaman ng taumbayan— kung ipagpapatuloy ang paggamit ng face shield, gaano tayo ka-sigurado na may sapat itong proteksiyon na maibibigay sa atin?


Kaya panawagan sa mga eksperto, bagama’t nauunawaan nating may iba’t ibang opinyon hinggil sa hakbang na ito, sana ay magkaroon ng mas malinaw na ebidensiya kung ano ang nagagawa ng face shield at gaano ito nakatutulong.


Napakahalaga ng inyong mga opinyon at suhestiyon dahil kayo ang mas nakaaalam ng mga dapat at hindi dapat gawin sa gitna ng pandemya.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page