EB! produ, tinanggal bilang congressman… TVJ FANS KAY JALOSJOS: KARMA!
- BULGAR
- Aug 11, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | August 11, 2023

Kahit hindi showbiz personality si TAPE, Inc. President Jonjon Jalosjos, nag-viral ang istorya ng pagkaka-nullify o annul o invalidate ng Supreme Court sa kanyang pagiging congressman sa 1st District ng Zamboanga.
Pinaboran ng SC si Roberto ‘Pinpin’ Uy, Jr. na siyang dapat umupong congressman ng naturang distrito.
Maraming mga loyal Eat… Bulaga! o TVJ supporters ang nagbunyi dahil tinawag nga nila itong ‘law of karma’ dahil sa naging gusot ng pamilya Jalosjos sa grupo, na kamakailan nga lang ay pinaboran naman sa usaping “trademark” ng EB! for the next ten years.
Although pumutok na ang usapin naman sa isyung “practicing and engaging” habang active public servant itong kapatid ni Jonjon na si Mayor Bullet, tila may mga grupo raw na isinusulong pa rin ito?
Ang naturang isyu kasi na ipinagbabawal sa isang provision ng “Local Government Code” para sa mga elected public officials, ay pinagdedebatehan pa ng mga legal experts.
Hay, palalim na nang palalim ang nagiging legal battle ng mga taong nasa likod o harap ng Eat… Bulaga!, noon man 'yan o ngayon!





Comments