EAT… BULAGA!, LILIPAT NA SA TV5 NGAYONG 2023
- BULGAR
- May 29, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See |May 29, 2023

Speaking of Eat... Bulaga!, mukhang tatapusin na rin nito ang pamamalagi nila sa GMA-7.
Sa dinami-dami ng mga naglalabasang tsismis, balita o hearsay, lumalakas ang mga ugong na nagtutuluy-tuloy na ang negosasyon nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at mga kasamahang negotiators (business partners, investors) sa mga nagpapalakad at namumuno ng TV5 Network.
Ang lalo umanong nagpalakas ng ugong na sa naturang network na ito mapapanood bago matapos ang taong 2023 ay ang namuong "tampo" ng kampo ng TVJ sa mismong namumuno ng GMA-7 na si Mr. Felipe L. Gozon.
Ayon pa nga sa mga tsika, nagpakita kasi ng partiality o pagkampi sa hanay ng mga Jalosjos si GMA-7 Chairman Gozon na dapat ay hindi nito ginawa bilang blocktimer naman ang organisasyon ng APT at TAPE na nagpapatakbo ng show.
Meron pang ilang isyu na umiikot kasama na ang naging pagtrato ng Kapuso Network sa naging pahayag noon ni Tito at mga isyu ng singilan at hatian sa mga advertisements at iba pa.
Mukhang palala na nang palala ang usapin, subalit kapag pinapanood natin ang pang-tanghaling programa, tila wala namang problema dahil sa totoo lang, napaka-professional ng mga hosts nito.
Everybody is in the waiting game, 'ika nga.





Comments