Easy Landing, markado sa Liyamadista, tatapatan
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 3, 2022
Tiyak na markado sa mga liyamadista si Easy Landing sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System ngayong araw sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Aarangkada sa unang karera, sasakyan ni MB Pilapil si Easy Landing para harapin ang lima pang tigasing kabayo sa distansyang 1,400 meter race.
Ayon sa komento ng mga dehadista sa social media, ipantatapat nila kay Easy Landing si Caraga Wonder na sasakyan ni Conrad Henson sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon. "Malaki ang tsansang manalo ni Caraga Wonder, magandang dehado 'yan," saad ni Richard Legaspi, veteran karerista.
Bukod kina Easy Landing at Caraga Wonder, ang ibang makikipagtagisan ng bilis ay sina My Way, Efren Herstal, Smarty Jas at Adobo Country.
Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang kukubrahin ng winning horse owner ang karagdagang premyo na P5,000.
Inaasahang aabangan din ng mga karerista ang bakbakan sa isa pang PHILRACOM-RBHS na pakakawalan sa huling karera. Posibleng magdomina sa takilya ang kalahok na si Don Julio na sasakyan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Patty Dilema.
Makakalaban ni Don Julio sina Stand By Me, Since When Takdang Panahon, Battle Scar, Happy Maggie, Make A Difference, Bomod Ok Falls at Basket Of Gold.
Samantala, pitong karera ang naka-lineup ngayon kaya inaasahang masisiyahan na naman ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Caraga Wonder (2), My way (3)
Race 2 - Lady Khaleesi (6), Kisskissbangbang (2)
Race 3 - Pitong Gatang )4), Siquijor (1)
Race 4 - Charm N Luck (3), Great Mpire/Wessfacckol (2/2A), Laughing Tiger (1)
Race 5 - It's A Deal (5), Smart Bell )6)
Race 6 - I''l Be There (6), Illuminance (4)
Race 7 - Don Julio (4), Stand By Me (1), Basket Of Gold (9)





Comments