Eala umusad sa next round ng Madrid Open Doubles
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | April 25, 2026

Photo: Alex Eala - Instagram
Matapos ang matagumpay na singles match ay sinegundahan ito ng panibagong tagumpay ni Filipina tennis star Aleandra “Alex” Eala sa women’s doubles kaagapay si Turkish Zeynep Sönmez sa 6-2, 6-2 kontra Chan Hao-Ching ng Chinese Taipei at Fanny Stollar ng Hungary sa 2026 Madrid Open sa Caja Magica sa Manzanares Park, San Fermín, Spain.
Dumiretso sa round-of-16 ang Filipino-Turkish tandem matapos malasap ang 0-2 simula, ngunit hindi na mapigilan sapul nito ang pares nina Eala at Sönmez.
Nagawang mabitbit nina Eala at Sönmez ang momentum sa second set na patuloy na diktahan ang laro laban sa No. 38 at No.23 sa doubles na sina Chan at Stollar.
Bumanat agad ng maagang 4-0 iskor ang Filipino-Turkish duo, bago nakakuha ng unang puntos ang Taiwanese-Hungarian tandem sa 4-1.
Nakabuslo muli ng panalo sa 6th game sina Eala at Sönmez bitbit ang mas magana at matatag na enerhiya para patulot na pataubin ang katunggali sa 5-1 iskor, habang sumagot muli ng panalo sa seventh game ang sina Chan at Stollar, bago tuluyang tapusin ito sa 6-2.
Nakatakdang makatapat ng dalawa sina doubles No.2 ranked Katerina Siniakova ng Czech Republic at No.5 ranked Taylor Townsend ng US.




Comments