Eala, posibleng patawan ng $10,000 na multa ng WTA
- BULGAR

- 22 minutes ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | September 8, 2026

Photo: File
Suportado ng PHILTA ang desisyon ni Pinay tennis star Alex Eala na katawanin ang Pilipinas sa Asian Games, na magbibigay sa bansa ng pagkakataong matuldukan ang 64-taong pagkagutom sa korona na huling nakuha sa 2 ginto sa singles nina Raymundo Deyro (1958 Tokyo) at Johnny Jose (1962 Jakarta) at men’s doubles nina Felicisimo Ampon at Deyro (1958 Tokyo).
“Alex herself has made it clear that representing the Philippines is an honor and that she is choosing to play for the flag." ayon sa statement na inilabas ng Philta mula kay secretary-general John Rey Tiangco.
Una nang sumaklolo ang PHILTA hinggil sa kahaharaping multa ni Eala mula sa tanggapan ng Women’s Tennis Association (WTA) upang magkaroon ito ng exemption sa paglahok sa Asian Games. Matagal na umanong ipinaalam ng pamunuan ng PHILTA sa kanilang liham sa WTA ang naturang planong pagsabak sa Asian meet ni Eala.
Minsan ng napatawan ng penalty sina tennis superstars at World No.1 Aryna Sabalenka, dating World No.1 Iga Swiatek ng Poland, World No. 4 Coco Gauff at World No.10 Amanda Anisimova ng US, habang maaaring makatanggap ng $10,000 na pagbabayaran si Eala, base sa nakasaad sa ruling ng WTA para sa mga manlalaro ng Top 25 hanggang 11 na hindi lalaro sa WTA 1000 event sa Section IV-A ng Withdrawals.





Comments