top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Eala-Mania kailangan ng 'ingay' vs. Anisimova sa Cincinnati Open

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

by Gerard Arce @Sports News | August 17, 2026



Eala-Mania kailangan ng 'ingay' vs. Anisimova sa Cincinnati Open

Photo: Alex Eala / IG



Asahan na umano ang malaking dagsa ng mga manonood sa third round ng laro ni Filipina rising star Alexandra “Alex” Eala si World No.10 Amanda Anisimova sa Round of 32 ng WTA 1000 Cincinnati Open, na unang beses makakaharap sa tennis court ngayong araw na gaganapin sa Lindner Family Tennis Center P&G Center Court sa Ohio.


Naging dominante kontra Romanian Elena-Gabriela Ruse, na pinasuko sa iskor na 6-1, 3-0 matapos ang injury, habang nilampaso ng four-time singles titlist na si Anisimova si Zeynep Sonmez ng Turkey sa 6-2, 6-3 sa sarili nilang round of 64.


Matapos makatapat ang mga top-10 players na sina No.3 Jessica Pegula ng US, No.5 Iga Swiatek ng Poland at No. 9 Elina Svitolina ng Ukraine, sunod na masusubukan ang tikas at tibay ng World No.20 sa mga bigating katapat, na posibleng mailista ang rematch kina Pegula at Swiatek.


Subalit bago nito maisakatuparan ang mga naturang pag-angat at pag-usad, kinakailangan muna nitong isama sa listahan ang 24-anyos mula Freehold Township, New Jersey, na handang harapin ang mga hihiyaw at susuporta sa 21-anyos na Pinay lefty.


“I haven’t played her before, she’s been having such an incredible season, incredible year and very great player with a lot of fans,” pahayag ni Anisimova patungkol kay Eala sa kanilang nalalapit na laban sa ganap na alas-8:30 ng umaga matapos ang panalo sa malapit na kaibigan ni Eala na si Sonmez.


“So, I’m really looking forward to that. I know that it’s probably going to be a very packed stadium, so I’m sure it’ll be really fun.” Sakaling makausad ang two-time WTA 125 titlist sa 2025 Wimbledon at US Open finalist na si Anisimova, maaaring makaharap nito sa isa pang rematch si World No. 7 at 2026 Wimbledon Open titlist na si Linda Noskova, na panigurong magbabawi rin matapos maagang malaglag sa Toronto Open, na matunog na makakatapat sa round of 16 ni Eala sakaling palarin umabot sa fourth round.


Dalawang sunod na beses tinatalo ni Noskova si Eala sa torneo sa 2026 Indian Wells round of 16 at Berlin Open semifinals, matapos unang beses na nagtapat sa quarterfinals ng French Open Juniors, kung saan unang nagwagi si Eala.


Masusubok muna si Noskova kontra No. 42 Clara Tauson, na matatandaang nagbigay ng kauna-unahang panalo kay Eala sa 2025 US Open sa 6-3, 2-6, 7-6.


Maaaring magkaroon ng rematch si Eala kay DC Open finalist na si Jessica Pegula sa quarterfinals, gayundin ang isa pang rematch kay Swiatek, kung uusad sa semifinals ang 2022 Hangzhou Asian Games double bronze medal winner, at maaaring maganap sa unang pagkakataon ang pakikipagtuos kay World No.1 Aryna Sabalenka ng Russia sa finals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page