top of page

Eala konsentrado na sa WTA 500 Austria clay court

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Gerard Arce @Sports News | March 26, 2026



Alex Eala

Photo: Alex Eala - IG



Kasunod ng ika-12 sunod na pagkatalo sa panibagong tennis player mula sa Czech Republic, itutuon ni Filipina star Alexandra “Alex” Eala ang pansin sa mas maging impresibo sa unang salang sa clay court na makakaharap sa main draw ang mga dating nakaharap at beteranong Czech players sa WTA 500 Linz Open sa Upper Austria Ladies Linz simula Abril 6 hanggang 12 sa Design Centre Linz sa Austria. 


Aminado ang Guadalajara 125 Open champion na hindi naging maganda ang kanyang laro laban kay World No. 14 Karolina Muchova sa iskor na 0-6, 2-6 noong Martes sa round-of-16 ng 2026 Miami Open na ginanap sa Hard Rock Stadium sa Miami Gardens, Florida. 


Nabigong mapantayan o malampasan ni Eala ang 2025 edisyon ng naturang torneo ng makarating sa semifinals, ngunit may pagkakataon si Eala na mas mapaghandaan pa ang unang salang sa Austrian tourney.


I’m super excited for the clay-court swing. I think that’s one surface I definitely have a lot of room for improvement, so I’ll love to see how it’ll pan out this year. I have some time before Linz, so I’ll try to do my best to prep for that,” pahayag ni Eala sa post-interview sa Miami Open, na tinapos ang kampanya sa Sunshine Double (Indian Wells at Miami Open).


Sa pagsabak sa Linz Open ay maaaring makatapat muli ni Eala ang dalawang Czechian players na sina Barbora Krejcikova na nagpataob sa kanya sa 1st round ng 2025 Wimbledon Open habang nakasalang ding sumabak si Marketa Vondrousova na tumalo sa kanya sa National Bank Open sa Montreal. Dalawang Czechian pa ang nakasalang na sumali sa WTA 500 na sina World No. 41 Sara Bejlek at two-time Grand Slam finalists at dating WTA No.1 ranked Karolina Pliskova.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page