Leylah dagdag sa pinadapa ni Eala sa Mubadala Open

Updated: Jul 31
by Gerard Arce @Sports News | July 30, 2026

Photo: Alex Eala vs defending champ Leylah Fernandez - WTA
Nagsimula ng dagdagan ang listahan ng mga defending champions na pinapadapa ni Filipina Tennis star Alexandra “Alex” Eala matapos isunod sa listahan si dating Mubadala DC Open titlist Leylah Fernandez ng Canada na may dugong Pinoy kasunod ng matinding pagbangon sa 2nd set tungo sa straight sets na panalo sa 6-2, 7-6 (7-1) sa 2026 edisyon ng naturang kompetisyon, kahapon ng madaling araw na ginanap sa William H.G. FitzGerald Tennis Center sa Washington, D.C.
Unang pinatalsik ng 21-anyos na lefty si dating World No.3 at defending Wimbledon Open champion na si Iga Swiatek ng Poland sa rass-court third-round battle, habang binawian si defending Summer Olympic Games winner na si Zheng Qinwen ng China.
Hindi nagpatinag ang tubong QC sa laro na maagang nakuhang 3-0 iskor at nanatiling lumaban ito at bumanat ng pangselyong mga atake upang umusad sa quarterfinals sa magwawagi kina Polina Kudermetova ng Uzbekistan at World No.10 at second seed Elina Svitolina ng Ukraine.
"I know that she was playing a little better and maybe my level dropped a little bit," pahayag ni Eala. “Those are very tricky moments, when you know your levels dropped, and you want to do better, but things just -- for one reason or another -- aren't coming out. I think patience was key there. Just trying to work it out and have a strong mentality in terms of trying to find solutions."
Sa pagpasok sa q'finals, nakasisiguro na itong tatanggap ng $47,750 o mahigit sa P2.9 milyon at may 108 puntos na magiging malaking tulong upang umusad sa World rankings.
Eala giniba ang Olympian gold, may tsansa na sa Olympic mint
Kinumpleto ni Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala ang tatlong medalist ng 2024 Paris Olympics matapos isunod sa listahan ang gold medalist na si Qinwen Zheng ng China sa bisa ng come-from-behind 4-6, 6-4, 6-1 na panalo sa 2026 Mubadala DC Open upang umusad sa round-of-16 kahapon ng madaling araw na ginanap sa William H.G. FitzGerald Tennis Center sa Rock Creek Park sa Washington, D.C.
Naunang dinaig ng 21-anyos na lefty si silver medalist Donna Vekic sa ASB Classic habang pinataob si dating World No.3 at bronze medalist Iga Swiatek ng Poland na dalawang beses tinalo sa 2025 Miami Open at sa Wimbledon Open.
Samakatuwid, may tsansang magwagi ng medalya sa 2028 Los Angeles Games si Eala na nagawa ring makabawi kay Zheng sa pagkatalo sa 2022 Hangzhou Games semifinals, na siya ring gold medalist ng naturang Asian quadrennial meet.
Kinakailangan na lang na manatiling nasa Top-50 ang Hangzhou Games double bronze medalist upang lumaki ang tsansang makahataw si Eala sa LA Olympics.
Nakatuon muna ang atensiyon ng SEA Games titlist kay Fil-Canadian at defending champion Leylah Fernandez na nagawang pataubin sa 1st round si Magda Linette ng Poland sa 6-1, 6-4 sa round of 16.
Sakaling magwagi si Eala kay Fernandez ay malaki ang posibilidad na makaharap nito sa rematch si World No.2 at second seed Elina Svitolina ng Ukraine. Nakasisiguro na si Eala ng $24,474 o mahigit P1.5 milyon sa 2nd round at maaaring makapasok sa pinakamataas sa World No. 25 sakaling manaig kay Fernandez pa-q'finals.





Comments