top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

E-Painters naalpasan ang counterflow ng Dyip

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 15, 2024
1 min read

ni Clyde Mariano @Sports | April 15, 2024




Matagumpay na napigilan ng Rain or Shine ang pag-aalburoto ng Terrafirma Dyip sa 4th quarter at sinungkit ang pangalawang sunod na panalo sa loob ng tatlong araw sa high scoring game, 116-104, sa Philippine Cup na idinaos sa  Caloocan Sports Complex kamakalawa ng gabi.


Tumipa si Belga ng 19 points, 7 rebounds at 8 assists sa 32 minutes sa loob nang court at tinanghal ang Bicolano center/forward na Best Player of the Game. Nag-ambag sina Andrei Caracut 17, Jhonard Clarito 16, Leonard Santillan 15, Mark Anthony Borboran 13, at Gian Mamuyac 10 sa panalo ng RoS at muling panatilihin ang paghahari sa Dyip, 116-105 sa nakaraang Commissioner’s Cup na napanalunan ng San Miguel Beer.


Ang talo ay pangalawang sunod ng Dyip matapos yumuko sa undefeated league-leading SMB (5-0), 110-113. Sa panalo umabante ang RoS sa team standings sa kartadang 4-4 at sumadsad ang Dyip sa 4-5 record matapos manalo sa una nilang apat na laro. “We played good percentage basketball. Our offense and defense coordinated each other,” sabi ni coach Yeng Guiao. “Sana ma-sustain namin ang amin laro at kung kinakailangan gumanda pa at masundan pa ang panalo at makapasok sa quarterfinals,” wika ng 61- years old na dating national coach. 


Target ni Guiao ang pang pitong PBA title at pangatlo sa RoS. Unang dinala ni Guiao sa podium ang RoS sa 2012 Governor’s Cup nang talunin ang B-Meg at 2016 Commissioner’s Cup Alaska.                             

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page