top of page
Search
  • BULGAR

E-bike at e-trike, goodbye na sa national roads

@Editorial | Abril 14, 2024



Simula bukas April 15, 2024, bawal nang dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ang mga electric vehicle at iba pang kaparehong sasakyan.


Ang pag-ban ng e-bikes at e-trikes sa national roads ay kasunod ng pagtaas ng bilang ng aksidente na kinasasangkutan ng mga ito. Bukod dito ay nakakadagdag din umano ito sa pagsikip ng daloy ng trapiko.


Ayon sa MMDA, ang mga lalabag ay papatawan ng mabigat na multa na P2,500 habang ang mga walang lisensya o hindi nakapagrehistro ay magreresulta ng pag-impound ng kanilang sasakyan.


Dagdag pa ng ahensya, wala na silang balak i-extend pa ang nasabing deadline, kaya ngayon pa lang ay umpisahan nang kumuha ng lisensya at sumunod sa bagong kautusan.


Sa mga pasaway na e-vehicle driver, tapos na ang maliligayang araw n’yo dahil may katapat nang parusa ang pahahari-harian n’yo sa kalsada.


Matuto sana tayong maging responsable sa kalsada at laging isipin ang ating kaligtasan.

Hiling din natin na maunawaan ng mga may-ari ng e-bike at e-trike ang paghihigpit na ito dahil para rin ito sa kapakanan ng nakararami. 


Para naman sa mga taong umaasa sa pagbiyahe ng e-bikes at e-trikes, may mga kalsada naman na maaari pa ring daanan kung saan mas ligtas at iwas-perhuwisyo pa.

 

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page