top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

E.A.T. ng TVJ, taob! EAT BULAGA!, NAMIGAY NG HOUSE AND LOT SA 44TH ANNIV

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2023
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | July 30, 2023




Nagpabonggahan ng mga papremyo ang parehong Eat… Bulaga! at E.A.T. na kapwa nag-celebrate ng kanilang 44th anniversary kahapon, July 29 (Sabado).


Nakatutok sa mga papremyo ang ibinahaging saya ng parehong shows though tila mas malupit 'yung sa TAPE, Inc. dahil may house and lot sila at iba pang cash prizes na nakasentro sa number na 44.


Kapwa rin sila nagpasabog ng mga production numbers at mga bisitang artista na naging bahagi ng kanilang mga shows.


Basta kuwelang-kuwela kami kina Alma Moreno at Tsong Joey Marquez na nakalaban nina Zoren at Cassy Legaspi sa Word of the Ring.


Kilig na kilig ang anak nilang si Winwyn Marquez sa nakakatuwang landian ng parents niya, hahaha! Wala pa ring kupas ang kakenkoyan ni Tsong Joey.


Sa parte naman ng It's Showtime, steady at nag-maintain naman ito ng kanilang mga portions na masaya. Kumbaga, tiwala lang ang show sa kung ano'ng lakas meron sila para sa madlang pipol, lalo na ang Isip Bata portion nila na madalas pinagmumulan ng intriga!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page