top of page

Dyip sinagasaan ang FiberXers, lumider na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2024
  • 1 min read

Updated: Mar 3, 2024

ni Clyde Mariano @Sports | February 29, 2024




Sinimulan ng Terrafirma Dyip ang kanilang kampanya sa Philippine Cup sa mainit na laro at tinalo ang Converge, 107-99, at sumosyo sa early leadership sa Blackwater at Talk ‘N Text sa Smart Araneta Coliseum kagabi.


Umiskor si playmaker Juami Tiongson ng drive matapos sumablay ang Converge 103-93, 39 seconds ang nalalabi at iposte ang unang panalo at gantihan ang Fiberxers na tumalo sa kanila sa 84-97 sa nakaraang Philippine Cup na napanalunan ng San Miguel Beer.


Tumipa ang small but terriblena  si Tiongson ng game- high 30, 11 sa second sa quarters na nagbigay sa Terrafirma ng 15 points advantage. Nag-ambag si Stephen Jeffrey Holt ng 27, George Isaac Go ng 13 at sina Joshua Angelo Alolino at Javier Gomez de Liano ng tig-10 points sa unang panalo ng Terrafirma.


Lumamang ang Terrafirma ng 15 points, 40-25, at 76-55, at hindi na binitawan ang renda sa kabila ng pag-aalburoto ng Converge sa fourth period sa pamumuno nina Alec John Stockton at Justin Arana na umiskor ng 18 points. “Maganda ang simula at nanalo kami sa unang laro. Sana makabalik uli ako rito,” sabi ni coach Johnedel Cardel. “Our offense and defense complimented each other. Sana tuloy-tuloy na ito,” wika ni Cardel.


Nanalo ang Terrafirma ng  tatlong laro sa nakaraang Commissioner’s Cup na napagwagian ng San Miguel Beer na tinalo ang Magnolia 4-2 sa best-of-seven title series.


Lamang ang Terrafirma, 101-92, sa last 2 minutes at 29 seconds. Nagpilit kunin ng Converge ang panalo, subalit nagmatigas and Car Makers at biguin si coach Alden Ayo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page