top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Duwag ang mga opisyal na magpa-deport ng illegal Chinese workers noong panahon ni Digong

BULGAR
Sep 29, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | September 29, 2022


MABUTI NA LANG WALA NA SA PODER SI EX-P-DUTERTE KASI KUNG SIYA PA RIN ANG LIDER NG BANSA, WALANG MAGLALAKAS-LOOB NA IPA-DEPORT ANG LIBU-LIBONG CHINESE ILLEGAL WORKERS—Ipinag-utos ni Sec. Crispin Remulla ng Department of Justice ang pagpapa-deport sa mahigit 40, 000 na illegal gambling Chinese workers sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Pilipinas.


Mabuti na lang, nawala na sa poder si ex-P-Duterte kasi kung siya pa rin ang pangulo ng bansa, walang maglalakas-loob na ipa-deport ang mga ito.


◘◘◘


SA PANAHON NG DUTERTE ADMINISTRATION, TRABAHONG PARA SA MGA PILIPINO, CHINESE ANG NAKINABANG—Sa imbestigasyon noon sa Senado, inamin ng Bureau of Immigration kay Sen. Joel Villanueva na mahigit 100K ang illegal Chinese workers sa Pilipinas, at nakapasok ang mga ito sa bansa mula noong 2016, na ibig sabihin sa panahon ng administrasyong Duterte ay "bumaha" ang mga Chinese workers sa 'Pinas.


Dahil d'yan, lumalabas na hindi lang pala 40, 000 Chinese POGO workers ang illegal na nagtatrabaho sa Pilipinas, dahil may mahigit 60, 000 illegal Chinese workers pa pala na nakapasok sa bansa.


Kung ganun, hindi pala nakabuti sa mga Pinoy workers ang pagiging pangulo ni ex-P-Duterte kasi ang trabahong para sana sa mga Pilipino ay mga Chinese ang nakinabang.


◘◘◘


DAPAT MAGSAGAWA NA NG CRACKDOWN ANG PNP AT NBI LABAN SA MGA ILLEGAL STL-CON JUETENG—Nang matapos ang termino ni ex-P-Duterte noong June 30, 2022 ay tapos na rin pala ang kontrata sa gobyerno ng mga gambling lords na nag-operate ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng sa iba't ibang lugar sa bansa.


Kung totoo ito, lumalabas na illegal na rin ang operasyon ng mga STL-con jueteng sa Pilipinas, pero ang nakapagtataka ay may mga STL-con jueteng operators pa rin ang nag-o-operate hanggang ngayon ng ganitong uri ng sugal.


Dapat magsagawa na ng crackdown laban sa STL-con jueteng ang PNP at NBI para matigil na ang panraraket ng mga gambling lords sa masang Pinoy.


◘◘◘



MGA MANRARAKET SA BAGUIO CITY, EXEMPTED SA PNP-'ONE-TIME BIG-TIME OPERATIONS'--Wala palang isinagawang "one-time big-time" operations ang PNP sa mga raket na mini-casino ni "Patrick" sa Legarda Road at Bokawkan Road, at sa mga color games at drop balls nina "Edna" at "Jimmy" sa Magsaysay Road at "Nestor" sa Kayang Hill Top, pawang sa Baguio City.


Dahil d'yan, lumalabas na exempted pala sa "one-time big-time" operations ng PNP ang illegal gambling operations sa teritoryo nina Mayor Benjamin Magalong at city chief of police, Col. Glenn Lonogan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page