Duterte vs Marcos, painit nang painit
- BULGAR
- Aug 1, 2024
- 2 min read
ni Pablo Hernandez @Prangkahan | August 1, 2024

DE LIMA, TINIRA NOON, NIRERESPETO NGAYON NG KAMARA -- Halos maiyak si former Sen. Leila de Lima sa respetong ipinakita sa kanya ng mga kongresista nang dumalo siya sa House hearing patungkol sa isyung human rights violations sa Pilipinas sa panahon ng nakaraang Duterte administrasyon.
Kung tinira ang kanyang pagkatao ng Kamara noon sa panahon ng pamumuno ni dating Speaker Pantaleon Alvarez, respeto naman ang ipinadama sa kanya ng Kamara ngayon sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez, period!
XXX
EX-P-DUTERTE AT IBA PA, DELIKADO, KASI TILA HANDA NANG MAKIPAGTULUNGAN ANG KAMARA SA ICC -- Sinabi ni Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez na puwede raw gamiting ebidensya ng International Criminal Court (ICC) ang kinalabasan ng imbestigasyon ng House Committee on Human Rights kaugnay sa mga naganap na extrajudicial killings (EJK) sa ‘Pinas sa panahon ng Duterte administration.
Sa isyung iyan ay tila nagdedelikado si ex-P-Duterte at iba pang nakasuhan ng crimes against humanity sa ICC, kasi sa tema ng salita ni Cong. Fernandez ay handa nang makipagtulungan ang Kamara sa ICC para mapanagot ang mga may sala sa naganap na EJK sa bansa, boom!
XXX
MAKINIG KAYA SI GEN. MARBIL SA HIRIT NI SEN. IMEE NA IBALIK ANG 75 POLICE BODYGUARDS NI VP SARA? -- Nanawagan si presidential sister, Sen. Imee Marcos kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil na ibalik kay Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang 75 police security escorts nito na inalis sa bise presidente.
Ngayong ate na ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang nananawagan kay Gen. Marbil na ibalik kay VP Sara ang 75 pulis na bodyguards nito, tingnan natin kung pakikinggan ng PNP chief ang hirit ng presidential sister, abangan!
XXX
PAINIT NANG PAINIT ANG LABANANG MARCOS VS. DUTERTE -- Matapos tanggalin ang 75 pulis na security escorts ni VP Sara ay nanawagan si Sen. Ronald Dela Rosa sa mga retiradong pulis at sundalo, gayundin si Sen. Robin Padilla sa mga dating rebelde na mag-volunteer na mag-bodyguards sa bise presidente.
Patunay ‘yan na painit na nang painit ang “labanan” ng kampo ni ex-P-Duterte at kampo ni PBBM, period!







Comments