Duterte gov’t, “nganga” sa buwanang tataas-singil sa kuryente
- BULGAR
- Jul 12, 2021
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | July 12, 2021
DALAWA LANG PALA ANG MAKUKUHANG BOTO NI MAYOR SARA SA PRP—Matapos humarap sa publiko nina Presidential spokesman Harry Roque III at Narciso Santiago, mister ni yumaong Sen. Miriam Santiago at sabihing suportado ng partido ni Miriam na People’s Reform Party (PRP) ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Mayor Sara Duterte, agad nagpalabas ng statement ang mga kapatid ng yumaong senadora, pati ang mga supporters at kaanib ng PRP na hindi nila susuportahan ang kandidatura ng anak ni P-Duterte kasi mula ito sa pamilya ng mga pulitiko na sabay-sabay kumakandidato tuwing may eleksiyon at taliwas ito sa matagal nang ipinaglalaban ni Sen. Miriam na pagbasura sa political dynasty.
Kung ganu’n, dalawa lang pala sa mga miyembro ng PRP ang boboto kay Mayor Sara sa pagka-pangulo, at sila ay sina Roque at Mr. Santiago, period!
◘◘◘
MGA DDS, SUPORTADO ANG PAMILYA NG MGA PULITIKO NA GINAGAWANG FAMILY CORPORATION ANG MGA PUWESTO SA GOBYERNO—Nanawagan si Bishop Broderick Pabillo sa taumbayan na ibasura sa halalan ang mga pulitikong nagtataguyod ng political dynasty, pero imbes na suportahan ay binash pa ng mga DDS ang obispo.
Mainam ang panawagang ito ni Bishop Pabillo kasi sa totoo lang, ang isa sa mga ugat ng kahirapan sa bansa ay ang political dysnaty.
Tila totoo ang sinabi ni P-Duterte na mga estupido ang kanyang mga supporters kasi gustung-gusto ng mga DDS na ginagawang family corporation ng mga magkakamag-anak na pulitiko ang mga posisyon sa gobyerno, boom!
◘◘◘
PILIPINAS, NABAON SA UTANG SA PANAHON NG DUTERTE GOV’T.—Matapos ianunsiyo ng Bureau of Treasury (BOT) na umabot na sa higit P11 trilyon ang utang-panlabas ng Pilipinas, posible pa raw pumalo ito sa higit P13.4 trilyon sa pagtatapos ng termino ni P-Duterte.
Hay naku, kaawa-awang Pilipinas kasi nabaon na nang husto sa utang sa panahon ng Duterte gov't., tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
DUTERTE GOV’T., “NGANGA” SA SUNUD-SUNOD NA PAGTATAAS-SINGIL SA KURYENTE NG MGA ELECTRIC COMPANIES—Nagtaas na naman ng singil sa kuryente ang Meralco at iba pang electric cooperative sa bansa.
Pambihira, mantakin n’yo, nagtaas na ng singil noong Abril, Mayo at June, tapos nagtaas na naman ngayong July 2021?
Ang nakakabuwisit, imbes na tutulan ito ng Duterte gov’t. dahil dagdag-pahirap sa mamamayan, “nganga” lang ang pamahalaan sa pagmamalabis ng mga electric companies, mga pwe!





Comments