top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Duterte gov’t, imbes magpasalamat, nire-red tagged at iniismol pa ang mga tumutulong sa bayan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 21, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | May 21, 2021



IMBES NA MAGPASALAMAT ANG DUTERTE GOV’T., NI-RED-TAGGED PA ANG ORGANIZER NG ‘COMMUNITY PANTRY’ AT INISMOL PA ANG TULONG PANGMEDIKAL NI VP LENI—Matapos i-red-tagged nina PCOO (Presidential Communication Operations Office) Usec. Lorraine Badoy at SolCom chief, Gen. Antonio Parlade, kapwa spokesman ng National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-elcac) si Ana Patricia Non na namuno sa pag-organisa ng community pantry para makapagbigay ng makakain sa mga nagugutom na mamamayan ay inismol naman ni Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang mga tulong pangmedikal sa mga health workers at free swab test sa mamamayan ng Office of the Vice-President (OVP).


Pambihira, imbes na magpasalamat dahil nakatutulong sila sa mamamayan sa gitna ng pandemya, ni-red-tagged at inismol pa, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


KUNG HINDI KINURAKOT ANG P15-B, BAKIT HINDI MABAYARAN NG PHILHEALTH ANG UTANG NILA SA MGA PRIBADONG HOSPITAL?—Fake news ba ang ibinida ng mga opisyal ng PhilHealth na wala raw naganap na pangungurakot sa kanilang tanggapan dahil intact pa rin ang P15 bilyong naiulat noon na missing na pondo ng ahensiya.


Umaangal na kasi ang mga miyembro ng Philippine Hospital Association (PHA) dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nababayaran sa bilyun-bilyong pagkakautang sa kanila ng PhilHealth na may kaugnayan sa gastusin ng mga COVID-19 patients.


Kung totoo kasing intact pa sa PhilHealth ang P15 bilyon na nabulgar noon na kinurakot ng mga “buwaya” sa ahensiyang ito, bakit hindi nila mabayaran ang bilyun-bilyong pagkakautang ng kanilang tanggapan sa mga pribadong hospital? Period!


◘◘◘


PAYAG KAYA ANG MGA PRO-DUTERTE CONGRESSMEN NA PORK BARREL NILA ANG IPAMBILI NG BAKUNA?—Iminungkahi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang pang-pork barrel projects ng mga pro-Duterte congressman na umaabot sa halagang P20 bilyon ay idagdag na lang pambili ng bakuna.


Napakagandang ideya, pero ang tanong ay payag naman kaya ang mga pulitiko niyan? Boom!


◘◘◘


NAPERHUWISYO NA SA VIRUS, KINAMKAM PA ANG MGA TERITORYO NG ‘PINAS, TAPOS SABI NI P-DUTERTE AY MAY UTANG NA LOOB ANG MGA PINOY SA CHINA—Ang COVID-19 ay nagmula sa China at maraming bansa, kabilang ang Pilipinas sa naperhuwisyo, maraming namatay, nawalan ng trabaho, nagutom at bumagsak ang ekonomiya, bukod pa riyan ang ginagawang pananakop sa mga teritoryo ng ating bansa sa West Philippine Sea (WPS).


Ang masaklap, imbes na magpakita ng galit ang Duterte gov’t. sa China, isinasapubliko pa ng pangulo na malaki ang utang na loob ng Pilipinas sa China, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page