Dutch at Japanese triathletes sakalam sa Subic IRONMAN Phl

ni MC @Sports | June 13, 2023

Kakaibang lakas at determinasyon ang ipinakita nina Dutch athlete Eric van der Linden at Chigusa Yamashita ng Japan bagamat masama ang panahon para makuha ang overall championships sa Century Tuna IRONMAN Philippines.
Maagang sinimulan ang karera nitong Linggo sa Subic Bay kaya naman sa dakong tanghali ay itinanghal na kampeon sina van der Linden at Yamashita.
Parehong nanguna agad ang dalawang atleta sa languyan maging ang pangunguna rin sa bike leg hanggang sa sumapit sa dulong bahagi ng takbuhan sa karera.
Pumoste ang 49-anyos na si van der Linder mula sa Schagen, North Holland ng tinapos na oras na 9:56:20 mula sa makasabog-bagang 3.8km swim, 180km bike at 42km run kung saan kabuntot niya si South Africa’s Michael Kramer para makuha ang ginto ng kampeonato na may 1:01:19 na itinalang oras sa opening leg ng maalong karagatan.
Kasunod nito nagpamalas ang 2000 Sydney Olympics veteran ng mahusay na riding skills sa nakabibilib na tinapos na oras 5:04:21 hanggang sa sumunod na event ng running na umaagwat pa ng 4 na minuto sa kabuuang 3:44:03 finish sa ilalim ng walang tigil na pag-ulan.
Si Kramer na naorasan ng 1:01:36 sa langoy at 5:22:21 sa pagpedal ay dumikit sa oras na 3:31:00 pero kinapos pa rin ito sa 10:00:45 sa isa sa mas pinakamahirap na physical experiences na pinipiling mas pabilisin ng atleta para makahabol sa last entry checking ng 11:53 p.m.
Pumangatlo si Hong Kong’s Richard Hall sa kabuuang oras na 10:14:18, ika-apat si Giuseppe Solla ng Italy sa kabuuang oras na 10:15:32 habang ang Pinoy na si Jet Ramos ang top Filipino finisher sa 5th place sa oras na 10:20:34 clocking sa event na inorganisa ng The IRONMAN Group/Sunrise Events, Inc.
Si Yamashita sa kabilang banda ay lamang ng 8-minuto laban sa kababayang si Ayaka Suzuki sa naitalang oras na 1:11:41 time sa swim, at tulad ni van der Linden ay naorasan din siya sa pagpedal ng 5:55:52 bago bumagal sa pagtakbo sa 4:11:17 clocking.





Comments