Duque, ‘nganga’ sa biglang dami ng kaso ng COVID, tsk!
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 22, 2021
DUQUE, AMINADONG WALANG ALAM, TAPOS BILIB NA BILIB SI P-DUTERTE—Nang matanong ng mga mamamahayag si Health Sec. Francisco Duque III tungkol sa pagdami ng mga tinatamaan ngayon ng COVID-19 sa bansa, ang kanyang tugon ay hindi nila alam sa IATF (Inter-Agency Task Force) at DOH na biglang darami ang mga tatamaan ng virus sa bansa.
Kita n’yo na, DOH secretary na ang nagsabi niyan na hindi nila alam na tataas ang bilang ng mga magkaka-virus, tapos bilib na bilib sa kanya si P-Duterte.
Eh, mabuti pa si Dr. Guido David ng UP-OCTA, alam na maraming tatamaan ng virus ngayong Marso, pero si Duque, “nganga” lang, buwisit!
◘◘◘
IMBES NA PAGHANDAAN ANG MATINDING PANANALASA NG VIRUS, ATAKE KAY DE LIMA, ABS-CBN AT HUMAN RIGHTS ACTIVISTS ANG IBINIDA NI P-DUTERTE—March 15, 2021 pa lang ay nagbabala na ang UP-OCTA na bago matapos ang Marso ay maraming tatamaan ng virus sa bansa.
Samantala, March 18, 2021 nang humarap sa publiko si P-Duterte, na ang akala ng publiko na ang sasabihin nito ay tungkol sa paghahandang gagawin ng gobyerno para makontrol ang mas matinding pananalasa ng COVID-19 sa bansa, eh, hindi pala kasi ang ibinida ng pangulo ay atake kay Sen. Leila de Lima, ABS-CBN at sa mga human rights activists, boom!
◘◘◘
HINAHARANG PA NG IATF AT DOH ANG PAGBILI NG BAKUNA NG MGA NEGOSYANTE, “NGANGA” NAMAN ANG DUTERTE GOV’T. SA PAG-ANGKAT NG COVID-19 VACCINES—Ibinulgar ni Sen. Imee Marcos na hinaharang daw ng IATF (Inter-Agency Task Force) at DOH (Department of Health) ang pagbili ng bakuna sa ibang bansa ng mga negosyante sa Pilipinas na gagamiting pambakuna sa kanilang empleyado at sa pamilya ng mga ito upang mailigtas sa panganib na dulot ng COVID-19.
Pambihirang gobyernong ‘to kasi gumagawa na nga ng sariling diskarte ang mga negosyante sa pag-angkat ng bakuna, tapos ayaw ng Duterte gov’t., mabuti sana kung mabilis ang aksiyon ng pamahalaan, eh, ang problem, hanggang ngayon ay “nganga” sa pagbili ng COVID-19 vaccines, asa lang sa donasyong bakuna, mga buwisit!




