top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Duque, Lao at iba pa, malamang mapanagot sa ‘pang-i-scam’ noong COVID-19 pandemic

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 12, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 12, 2024



Prangkahan ni Pablo Hernandez


DAPAT LANG MAPANAGOT SINA DUQUE, LAO AT IBA PA NA SANGKOT SA PANG-I-SCAM RAW SA KABAN NG BAYAN SA PANAHON NG COVID-19 PANDEMIC -- Ipinag-utos na ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong graft kina former Health Sec. Francisco Duque III, former Procurement Service-Dept. of Budget and Management (PS-DBM) head Lloyd Christopher Lao kaugnay sa umano maanomalyang paglipat ng DOH fund na P41 billion sa tanggapan ng PS-DBM noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.


Aba’y dapat lang para mapanagot sila sa pang-i-scam umano na ginawa nila sa kaban ng bayan noong COVID-19 pandemic, period!


XXX


TILA APEKTADO NA SI PBBM SA PAGSASANGKOT SA KANYA SA DROGA -- Kung dati ay tinatawanan lang ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) ang alegasyon sa kanya ni ex-P-Duterte na adik siya sa cocaine, ngayong inimbestigahan na ng Senado ang pagkakasangkot niya sa droga ay umuusok sa galit ang Presidente na sinabing “professional liar” daw ang testigo ni Sen. Ronald Dela Rosa na si former Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Agent Jonathan Morales na siyang nagsasangkot sa Pangulo sa illegal drugs.


Dahil pinatulan na ni PBBM ang isyung ito ay pagpapatunay na apektado na siya sa pagsasangkot sa kanya sa paggamit ng cocaine, boom!


XXX


STATEMENT NI PBBM NA TANGGAP DAW NG MAMAMAYAN ANG MENSAHE NIYANG PAGKAKAISA KASI ‘WASAK’ NA ANG UNITY NG MARCOS AT DUTERTE -- Pinagtawanan ng ilang netizens ang statement ni PBBM noong May 8, 2024 na tanggap daw ng mamamayan ang mensahe niya noong 2022 presidential campaign period na pagkakaisa o unity.


Pagtatawanan talaga si PBBM ng netizens, kasi ang ibinibida niyang unity o pagkakaisa ay “wasak na”, at patunay d’yan ang sunud-sunod na atake sa kanya ng kampo ni ex-P-Duterte at ang napipintong Marcos vs Duterte sa 2025 midterm election, period!


XXX


BAD SA PANINGIN NG MUNDO ANG BANGAYAN NG PRESIDENTE AT FORMER PRESIDENT -- Nanawagan si Sen. Sonny Angara kina PBBM at ex-P-Duterte na mag-ceasefire muna sa bangayan.


May punto si Sen. Angara sa statement niyang ito, kasi hindi maganda sa paningin ng mundo, na ang dami ng naghihirap na Pinoy sa ‘Pinas, tapos ang presidente at ex-president ay nagbabangayan pa, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page