Dumarami pa ang kaso ng bagong variant na UK COVID-19, ingat pa more!
- BULGAR

- Jan 25, 2021
- 2 min read
ni Ka Ambo - @Bistado | January 25, 2021
Hindi pa rin solved ang kaso ni Christine Dacera.
Eh, baket?
◘◘◘
Dumami na ang nahawa sa bagong variant ng COVID-19 mula UK.
United Kingdom ang ibig sabihin ng UK--at hindi "ukay-ukay"!
◘◘◘
Sobra-sobra na raw ang ino-order na COVID-19 vaccine ng gobyerno, pribadong sektor at mga ismagler.
Nangangamba na mag-over supply ay masira lamang sa estante ang bakuna kapag nagkataon!
◘◘◘
Hindi kontrolado ng gobyerno ang suplay ng bakuna.
'Yan ay dahil sa sangrekwang smuggler na may konek sa gobyerno.
He-he-he!
◘◘◘
Sa bandang una, io-overpriced ang COVID-19 vaccine ng mga smuggler dahil sila ang makauna sa pag-order.
Sa bandang huli, sila rin ang magbabaha ng suplay ay ibabagsak ang presyo.
Ang resulta, masisira ang bakuna na inorder ng gobyerno dahil sa mabagal na proseso.
◘◘◘
Bihasa ang mga ismagler sa imported na produkto.
Ang COVID-19 vaccine ay hindi nalalayo sa suplay ng frozen meat, gulay, prutas, bigas at iba pang gamot na inilulusot sa Bureau of Customs.
Ang merkado ay mas kontrolado ng ismagler kaysa ng gobyerno!
◘◘◘
Napatino ba ni P-Digong ang Adwana?
Ang sagot at malungkot na HINDI!
◘◘◘
Ganyan din ang sitwasyon sa oil supply kung saan binaklas na ang mga oil refinery.
Ano ang ibig sabihin nito?
Sasandal na ngayon ang bansa sa smuggled oil.
Pustahan tayo?
◘◘◘
Wala nang panahon si P-Digong na iresolba ang mga problemang 'yan--dahil sa kalagitnaan ng 2021--siya ay unti-unti nang kakantiyawan bilang "lameduck president".
' Yan ang gagawing pambubuska ng kanyang mga kalaban.
Magpraktis na siyang hindi mapikon!
◘◘◘
Maging ang kanyang mga inaakala niyang dating matatapat na ayudante ay magsisimulang magbitiw sa puwesto.
Ito ay upang maagang makapagsepsep sa susunod na mauupo sa Malacañang.
Isa itong mapait na katotohanan!
◘◘◘
Ang krisis sa pandemic ay malinaw na hindi mareresolba ni P-Digong sa kanyang termino.
Matatapos ang krisis sa COVID-19 at magiging normal ang bansa matapos ang 2022.
Kumbaga sa Skyway , aagawin naman ng papalit na administration sa Malacañang ang kredito sa pagresolba sa COVID-19!
◘◘◘
Sakaling maupo ay kalaban ni P-Digong sa 2022, tulad sa nakasanayan, maaaring paliguan siya ng kaliwa't kanang kaso kasama ang kanyang mga dating ayudante.
Uubusin ang salapi ng bayan sa pagresbak at benggansa pulitika!
◘◘◘
Hindi naman makatitikim ng resbak ni P-Digong mula sa kanyang mga kalaban, dahil may edad na siya.
Kaawa-awa ay ang mga sepsep sa kanya.
At para makaligtas, agad-agad na magkakabilang bakod ang mga loko.
Ha-ha-ha!





Comments