Search
  • BULGAR

Dumarami na ang nagkakaroon ng depresyon, kailangang matugunan ‘yan!

ni Ka Ambo - @Bistado | June 27, 2020



Diretso lang ang enrollment sa iskul.


Mabuti naman!


◘◘◘


Nadaragdagan ang mga nagkakaroon ng depresyon at hindi makatulog.


‘Yan ang kapalpakan ng DOH—kapos sila sa grupo ng mga psychiatrist at psychologist!


◘◘◘


May mga kaso na ng pagpapakamatay at pagkabaliw pero hindi kasama sa ulat ng DOH.


Inililihim ang “sakit” na ito ng kani-kanilang pamilya!


◘◘◘


Ang ilang kaso ng pagkamatay ay posibleng “suicide”.


Kapag ang tao ay hindi kumakain at hindi natutulog—pagkabaliw ang kauuwian.


Sino ang magagawang kumain kapag may depresyon?


◘◘◘


Numero ng patay at may sakit ang inihahayag ng DOH araw-araw imbes na ang payo at kongkretong gabay sa “karamdaman” ng mga tao.


Imbes na suportahan ang “traditional remedy” sa mga sakit—binabara at ipinagbabawal ito!


◘◘◘


Hindi maamin ng gobyerno na hindi nila kayang palamunin ang 100 milyong kapag ibinalik ang total lockdown.


Marami ang recoveries sa nagkakasakit ng COVID-19—hindi totoo na ito ay walang gamot!


◘◘◘


Nakakatakot lamang ay kung naghambalang ang mga patay, pero walang ganyang sitwasyon kahit saang sulok ng Pilipinas.


Ang tanong: Bakit ayaw palayain ang mga obrero na magtrabaho?


‘Pag nagkasakit — na normal lang, bigyan ng gamot at ipaospital nang libre.


Ganun lang!


◘◘◘


Nagbubunsod ng takot, lagim at panic ang mga awtoridad, imbes na pakalmantehin ang tao.


Kapag malusog ang tao — may sapat na tulog, pahinga at pagkain — lalakas ang immune system — ‘yan mismo ang gamut kontra Covid.


Nawalan na ng common sense ang lider ng gobyerno sa buong daigdig!


◘◘◘


Naghahasik kasi ng takot ang WHO imbes na magbigay nang maaayos at malinaw na impormasyon.


Walang kakayahan at talino ang WHO executives upang mabigyan ng angkop na payo ang mga bansa!


◘◘◘


Sa ngayon, walang paham, pilosoper na maasahan ang daigdig.


Karaniwang eksperto ay walang common sense!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.