top of page
Search
  • BULGAR

Dumarami ang mga nagpapakamatay, ‘di nila alam kung ano’ng gagawin sa Pasko at Bagong Taon

ni Ka Ambo - @Bistado | October 28, 2020



Idineklara ni P-Digong ang giyera kontra korupsiyon.


Maraming nakapaligid sa kanya ang napayuko sa sahig!


◘◘◘


Unang makakalaban ni P-Digong laban sa korupsiyon ay ang mga nasa sa paligid.


Opkors, kasama ang miyembro ng pamilya, kaanak at kaibigan!


◘◘◘


Nanatili ang Metro Manila sa GCQ.


Sige, pabagsakin pa ninyo ang ekonomiya!


◘◘◘


Kakaunti ang behikulo sa kalye kahit pinaluwag na ang quarantine.


‘Yan na ang bagong normal!


◘◘◘


Bagong normal ang maluwag na trapik dahil sarado ang sangrekwang negosyo, eskuwelahan at lugar pasyalan.


Ayaw nang lumabas ng mga tao dahil sa panic!


◘◘◘


Ang bangko ay babagsak kapag walang nagdedeposito.


Bagsak din ang negosyo kapag walang kilos ang mga tao!


◘◘◘


Makikita natin ang epekto ng balik-probinsiya.


Tutumal ang kalakalan sa Metro Manila na magpapahina sa ekonomiya!


◘◘◘


Gumamit ng recorded or taped press release broadcast ang Malakanyang.


Baket?


Wala lang!


◘◘◘


Inamin ni P-Digong ang typo error na may 160 milyong adik sa ‘Pinas.


Sa media, ito ay erratum!


◘◘◘


Bumaba ang presyo ng petrolyo.


Nabawasan nang malaki ang behikulo sa kalye!


◘◘◘


Stress-related illness ang pandemya ngayon.


Kasama na ang heart attack, alta-presyon, stroke at mga sakit na hindi kayang ipaliwanag ng mga doktor!


◘◘◘


Lalong darami ang kaso ng mga biglaang pagkamatay.


Marami ang ninenerbiyos kasi hindi nila alam ang sitwasyon sa Pasko at Bagong Taon!


◘◘◘


Isusumite na sa Senado ang 2021 budget bill.


Sandamakmak ang “korupsiyon” sa loob nito.


D’yan kayo magsimula sa “giyera kontra korapsiyon”!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page