Dugyot na presinto, linisin

ni Gina Plenago @News | October 14, 2026

Photo: File / PBGEN Christopher N Abrahano - FB
Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Brig. Gen. Christopher Abrahano sa lahat ng police chiefs at station commanders sa Metro Manila na panatilihing malinis, maayos, ligtas at presentable ang kanilang mga himpilan.
Binigyang-diin ni Abrahano na ang mga police station ay hindi lamang lugar ng trabaho ng mga pulis kundi pasilidad din para sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong. Aniya, ito ay sumasalamin sa disiplina at propesyonal na paglilingkod ng pulisya sa publiko.





Comments