top of page
Search

ni Gina Pleñago @News | Feb. 3, 2025



NCRPO Acting Director, P-Brigadier General Anthony Aberin

Photo File: NCRPO Acting Director, P-Brigadier General Anthony Aberin


Sa buwan ng Enero ng taong kasalukuyan naging mas mababa ang krimen o index crimes rate sa Metro Manila kumpara sa kaparehong buwan noong nakalipas na taong 2024.


Sa pagpapatuloy ng momentum, naipatupad umano ang Able, Active and Allied (AAA) policing approach sa 8 focus crimes, na pinasimulan ni NCRPO Acting Director, P/Brigadier General Anthony Aberin, naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 19.61% pagbaba ng Index Crimes ng  Enero 1-31, 2025.


Nasa 451 ang kabuuang naitalang krimen na mas mababa ng 110 kumpara noong nakaraang taon.


Bumaba ang mga insidente ng rape sa 46.49%, physical injury na 37.14%, homicide na 28.57%, murder na 17.65%, at robbery na 23.05%.


Naitala rin ang 92.46% para sa crime clearance efficiency at 72.73% para sa crime solution efficiency, ayon pa sa NCRPO.


Kamakalawa ng Pebrero 1 mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng umaga ng Peb. 2 ay nakapagtala naman ng 53 naaresto sa isinagawang 39 anti-criminality operations; nahuli ang 44 na top wanted, most wanted, at other wanted persons; sa illegal drugs ay 123 ang naaresto sa 46 operations na isinagawa at nakumpiska ang nasa P3,031,984.00.


Umabot sa 6,042 naman ang nahuli sa paglabag sa lokal na ordinansa na may katapat na multang P1,651,800.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 9, 2024




Tinatayang umabot na sa 2.8 milyon ang dami ng tao sa Traslacion sa gitna ng pagdiriwang ng Itim na Nazareno ngayong Martes, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).


Ayon sa NCRPO Public Information Office (NCRPO-PIO), nasa 2,807,700 ang bilang ng mga tao hanggang alas-1 ng tanghali.


Kasama dito ang bilang ng mga deboto sa Quirino Grandstand, sa prusisyon ng Traslacion, pati na rin sa Simbahan ng Quiapo.


Ayon sa mga opisyal ng simbahan, lumagpas sa 1 milyon ang bilang ng mga tao bandang alas-10 ng umaga.


Una nang tinantiya ng mga otoridad na aabot sa 2 milyon ang dami ng tao sa kaganapang ito na huling idinaos tatlong taon na ang nakalilipas dahil sa COVID-19 pandemic.

 
 

ni Gina Pleñago | June 5, 2023




Sinasabing dahil sa pagsusukbit ng baril at pag-iingat ng hinihinalang droga ng tatlong Chinese national kaya inaresto ng mga otoridad sa loob ng isang condominium unit kamakalawa ng madaling-araw sa Pasay City.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Wu Zhangjian alyas “Michael Wang”, 32; Guanglin Jiang, 28, at Mao Wei, 23.


Base sa ulat ng Southern Police District, hinuli ang tatlong suspek sa loob ng condo unit na matatagpuan sa Seaside Boulevard, MOA Complex, Pasay City, alas-3:30 ng madaling-araw kamakalawa, gamit ang search warrant na inisyu ni Judge Rowena Nieves Tan.


Magkakasanib na pwersa ng District Special Operation Unit-Southern Police District kasama ang mga elemento mula sa DSOU-SPD, DDEU-SPD, DID, DMFB, nagkasa ng operasyon ang SIS Pasay CPS, Northern NCR Maritime Police Station at 3rd SOU, Maritime Group na nagresulta sa pagkakahuli sa mga suspek.


Nakumpiska sa operasyon ang isang unit ng Glock 26, kalibre 9mm, kargado ng isang magazine at sampung live ammunitions, isang revolver handgun, apat na live ammunition at isang revolver chamber.


Nakuha rin ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu na 11 gramo na nagkakahalaga ng P74,800, at drug paraphernalias.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page