Duet nila ang gustong mapanood… BUMILI NG TIKET SA CONCERT NI REGINE, IBINEBENTA NA DAHIL WALA SI STELL
- BULGAR

- Jan 28
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | Jan. 28, 2025
Photo: Regine Velasquez Alcasid at Stell - Instagram
Ay, nakakaloka naman ang nasagap naming tsismis na marami diumanong mga Stell fans ang nagbebenta na ngayon kahit palugi ng mga tiket na nabili nila sa Regine Velasquez’ Reset concert series.
Medyo naguluhan pa kami nu’ng ikinukuwento ito sa amin dahil ang akala namin ay posible pa ring makapag-guest si Stell kahit one night lang.
“Naku, hindi na nga puwede. Nag-decide na ang management n’ya na sa ibang pagkakataon na lang dahil may conflict of schedule na,” sey ng nagkukuwento sa amin.
Although, maayos naman daw ang pagkansela ng management ni Stell at humingi pa ng sorry ang SB19 member na nagpadala pa ng bouquet of flowers kay Songbird. Hindi naman nagtampo si Regine at naunawaan naman ang naging sitwasyon.
‘Yun nga lang, may mga nakabili raw ng tickets na feel lang na abangan at panoorin ang sinasabing ‘duet number’ nina Regine at Stell.
“Aanhin pa namin ang ticket kung iba ang makaka-duet ni Regine? No offense meant sa Songbird, anytime naman na feel namin siyang panoorin, lagi naman siyang nasa TV. Iba lang talaga ‘yung makaka-duet niya si Stell,” ang umano’y kuda ng mga nakabili ng tickets.
Luh...
Palaisipan talaga sa maraming mga Pinoy Big Brother (PBB) fans and supporters ang inilabas na teaser ng GMA-7 news na “Big Balita (BB)”.
Lahat kasi ay nag-a-assume na baka raw ang reality show na PBB ang tinutukoy nitong magiging bahagi na ng Kapuso Network.
May ilang kaibigan kaming minessage dahil naging publicist din naman kami ng PBB, pero habang idinededlayn namin ito ay wala kaming natanggap na sagot.
Well, may kinalaman kaya sa TV franchise kung bakit posibleng hindi na nag-renew ang franchise holder ng reality show? Hindi ba’t nagkaroon pa ng isang season na tinawag nilang Gen 11, pero may tsismis na hindi na nga raw ito umano naging kasinglakas man lang ng mga previous series?
Very welcoming naman ang mga Kapuso fans sa balita dahil ‘ika nga nila, “Mas magandang makipagnegosyo sa may legit na franchise.”
Aguy!
Sobrang excited pa naman sa first baby…
MIKEE, TANGGAP PA RIN SI ALEX KAHIT 3 BESES NANG NAKUNAN
Nakakaawa rin naman talaga ang pagpapahayag ni Konsehal Mikee Morada hinggil sa third miscarriage ng asawang si Alex Gonzaga.
Sa napanood naming kuwento niya sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT), mararamdaman mo talaga ang sakit at pagkalungkot ng balita, lalo’t alam naman nating may previous na silang karanasan ukol dito.
Marami ang naantig sa ibinahagi ni Mikee na sa pagkukuwento ay na-excite nang marinig daw niya ang “heartbeat” ng dapat sana ay unang anak nila ni Alex.
Pero dahil nga sa tinatawag na ‘anembryonic o no embryo pregnancy’, nauwi rin ito sa miscarriage.
Marami ang nalungkot at naawa base sa napanood nating kuwento, pero marami rin naman ang humanga sa tatag ni Mikee na nagdeklara ng kanyang ‘unconditional’ na pagmamahal kay Alex.












Comments