top of page
BULGARY - PRIME MINISTER NG TIMOR-LESTE, NAPASAYAW SA KANTA NG SB19_IG _officialSB19.jpeg

Dudang kabit ng misis... Nagde-deliver ng parcel, pinagsasaksak ng mister

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

by Levi Gonzales @News | November 19, 2026



Dudang kabit ng misis... Nagde-deliver ng parcel, pinagsasaksak ng mister

Photo: File



Kritikal ang isang 41-anyos na rider matapos pagsasaksakin habang nagde-deliver ng parcel sa Brgy. Buli, Taal, Batangas.


Kinilala ang biktima sa alyas Michel, residente ng Brgy. Bolbok, Taal, habang ang suspek naman ay si alyas Jay, residente ng Brgy. Buli.


Batay sa paunang imbestigasyon, alas-3:20 ng hapon nang bigla na lamang umanong pagsasaksakin ng suspek ang biktima habang nagde-deliver ng parcel.


Selos ang pinaniniwalaang motibo sa krimen, ayon sa pamilya ng biktima, dahil naghihinala umano ang suspek na may relasyon ang rider sa kanyang asawa.


Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa suspek sa pamamagitan ng dragnet operation at pagkuha ng mga pahayag mula sa mga posibleng nakasaksi sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page