Du30, lilitisin na ng ICC
- BULGAR

- Apr 24
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | April 24, 2026

Photo: File / ICC
Haharap sa paglilitis si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ito ay makaraang kumpirmahin ng ICC pre-trial chamber ang lahat ng charges laban sa dating pangulo.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban kay Duterte ang three counts of crimes against humanity ng murder kung saan sakop nito ang 49 na insidente ng pagpatay at 78 na biktima.
“The Chamber finds that there are substantial grounds to believe that Mr Duterte is criminally responsible for the crimes charged in Counts 1-3 as an indirect co-perpetrator, and/or for ordering and/or inducing, and/or for aiding and abetting the commission of the crimes, pursuant to articles 25(3)(a), (b) and (c) of the Statute,” ayon sa desisyon ng pre-trial chamber. Nabatid na naglabas ng nagkakaisang desisyon ang all-women chamber ng ICC na binubuo nina judges Iulia Antoanella Motoc, Reine Adélaïde Sophie Alapini Gansou, at Maria del Socorro Flores Liera.
Hindi tulad ng ibang desisyon, ang naturang hatol ay hindi awtomatikong maaaring iapela. Nangangahulugan na hindi agad maaaring dumulog si Duterte sa appeals chamber upang kwestyunin ang desisyon.
Kung nais umano niyang maghain ng apela, kinakailangan muna niyang humingi ng pahintulot o awtorisasyon bago mapagbigyan.
“Trials in the ICC are fair and impartial and the defense would have sufficient time to prepare its case while respecting the rights of victims,” ayon kay ICC spokesperson Oriane Maliet.
Inaabot aniya ng anim na buwan hanggang isa’t kalahating taon bago tuluyang magsimula ang paglilitis sa ICC matapos makumpirma ang lahat ng mga charges.





Comments