top of page

Du30, ginawang katatawanan sa concert… DDS KAY VICE: PAMBANSANG BASTOS, I-BANNED SA DAVAO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 13, 2025
  • 3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 13, 2025



Photo: VIce Ganda - Instagram


Kuhang-kuha na naman ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang galit at gigil ng mga supporters ni ex–Pres. Rodrigo Duterte (DDS) dahil sa binitawan niyang “Jetski Holiday” joke sa nakaraang Super Divas concert nila ni Asia’s Songbird Regine Velasquez sa Smart Araneta Coliseum.


Ginawang joke ni Vice ang naging statement noon ni Digong na handa siyang sumakay ng jetski para pumunta sa Spratlys Island at magtayo ng Phil. flag para ipagsigawang atin ang West Phil. Sea, na kalaunan ay sinabi ng dating pangulo na “joke lang”.

Hindi nagustuhan ng mga DDS ang joke ni Vice at may ilang tumawag na “Pambansang Bastos” sa komedyante-It’s Showtime host.


Meron pa ngang nananawagan na ideklarang “persona non-grata” sa Davao na teritoryo ni Digong si Vice Ganda para raw maturuan ng leksiyon.


Bukod pa riyan, pati ang McDo commercial at iba pang endorsements ni Vice ay ipinaboboykot din ng mga DDS.


Sa ngayon, wala pa kaming naririnig na sagot ni Vice sa panawagan at mga resbak sa kanya ng mga DDS.


Pero ang ilang fans at supporters ni Vice ang nagtanggol sa kanya at ang resbak naman nila sa mga DDS, bakit daw ang sensitive ng mga ito, pero ‘yung ‘rape joke’ ni dating Pangulong Digong ay okay lang at tanggap nila?


Ayan ang gustung-gusto ng mga Marites na netizens, ‘yung may pinag-uusapan sila, kaya sige nga, tingnan natin kung hanggang kelan magte-trending ang Jetski Holiday joke ni Vice Ganda.




PRETTY and talented ang AQ Prime talent na si Zela, ang Pinoy-American P-Pop singer-composer-rapper na ipinakilala sa entertainment press last Monday night kasabay ng launching ng kanyang debut album titled Lockhart na naglalaman ng 10 tracks.


Look-alike ni Sandara Park si Zela, pero sabi niya, mas maganda raw ang dating 2NE1 singer.


Ani Zela na nagpa-sample ng song and dance number sa kanyang kantang Ace   na by the way ay ang ganda ng beat at very relatable at catchy para sa mga GenZ — gusto raw niyang maka-collab ang BINI, SB19 at maging si Sarah Geronimo sa kanta nitong Tala.   


Mukhang hindi naman mahuhuli at papakabog si Zela kapag naka-collab niya ang mga sikat nang local performers natin dahil bukod sa kumakanta nga siya, nakakasayaw pa at siya rin ang nagsulat ng mga English songs sa kanyang Lockhart album.


Sabi nga ng Frontrow president-businessman at part-owner din ng AQ Prime na si RS Francisco, unang kita pa lang niya kay Zela sa audition ay nakitaan na agad niya ito ng potensiyal na sisikat, hindi lang dito but also globally.


Kaya nga after ng album launch ni Zela ng Lockhart, sabi ni RS ay may mga ka-meeting silang Korean investors na gustong gawing theme song ng mga K-drama ang mga kanta ni Zela sa album.


Very supportive naman ang parents ni Zela sa kanyang pangarap na makilalang P-Pop singer sa ‘Pinas.


Ani Zela, women empowerment ang inspirasyon niya para makasulat ng mga kanta para sa Lockhart dahil inamin niyang nu’ng younger days niya ay nakaranas siya ng pambu-bully dito sa ‘Pinas hanggang nu’ng tumira siya sa US para mag-work as model and singer-composer.


So, pakinggan n’yo ang mga songs under Lockhart album at baka maka-relate rin kayo sa mga pinagdaanan ni Zela. 



Maitim daw nu’ng nasa PBB house pa… 

AZ, AMINADONG PUMUTI LANG DAHIL SA PEELING LOTION 





ANG ganda-ganda pala sa personal ng PBB Celebrity Collab Edition housemate na si AZ Martinez na may hawig kina Pauleen Luna, Kris Bernal at Roxanne Barcelo.

First time naming na-meet si AZ kahapon sa launching niya as the newest endorser ng SCD products na pag-aari ni Ms. Gracee Angeles.


May ‘K’ maging beauty queen si AZ na bago pa nag-join sa PBBCCE ay nag-join na rin sa mga local beauty pageants at nagkaroon na rin ng korona. 


Beauty and brains ang dalaga na umaming noong bago siya nag-artista ay may mga insecurities at self-doubt sa mga kaya niyang gawin, pero nabago raw ‘yun nu’ng nag-join siya sa PBBCCE. Ngayon ay mas confident na siya at hindi na masyadong iniisip kung ano’ng mga sinasabi sa kanya ng publiko.


Perfect endorser si AZ ng SCD products dahil aniya nga, nu’ng nasa PBB house siya ay medyo umitim siya, kaya fave niya ang peeling lotion ni Ma’m Gracee. Kitang-kita naman na ang puti-puti at ang flawless ni AZ ngayon.


Itinutukso siya kina Ralph de Leon at sa ka-love team niyang si River Joseph pero aniya, gusto niyang mag-focus muna sa kanyang career kesa sa love life.


If given a chance, willing din naman daw siyang i-share ang kuwento ng buhay niya sa Magpakailanman ni Ms. Mel Tiangco para maging inspirasyon ng mga kabataang tulad

niya.


Well, congrats AZ at sana nga, more endorsements and shows to come. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page