DSWD nagbabala sa mga komedyante, content creator... Malaswang biro tungkol sa mga bata, kulong at P1M multa

ni Mervin Reyes @News | November 22, 2026

Photo: File SS / Pencilbox Comedy - YT
Maaaring makulong at pagmultahin ng hanggang P1 milyon ang sinumang mapatunayang lumabag sa batas laban sa seksuwal na pagsasamantala sa mga bata, babala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kasunod ito ng kontrobersiyal na biro ng komedyanteng si JP Aguilera ng Pencilbox Comedy na gumamit sa playground at mga bata bilang seksuwal na reperensiya.
Ayon sa DSWD, ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 11930 ang pagse-sexualize sa mga bata sa online at digital platforms.
Nanawagan din ang ahensya sa mga komedyante at content creator na igalang ang dignidad at kaligtasan ng mga menor-de-edad.





Comments