Mga tserman sa Mandaluyong, binigyan ng bagong hybrid SUV

by BRT @News | November 25, 2026

Photo: Mandaluyong City PIO
Ipinamahagi ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang 27 bagong hybrid SUV sa mga barangay nito upang mapabilis ang paghahatid ng serbisyo at pagtugon sa pangangailangan ng mga residente.
Ayon kay Mayor Menchie Abalos, matagal nang hinihiling ng mga punong barangay ang mga sasakyan at noong nakaraang taon pa inilaan ang pondo para rito.
Naantala lamang umano ang pamamahagi dahil sa inaasahang pagdaraos ng barangay elections.
Nilinaw din ni Abalos na ang mga sasakyan ay mula sa pamahalaang lungsod at hindi niya personal na regalo sa mga opisyal ng barangay.





Comments