@Editorial | Marso 27, 2024
Sa kasagsagan ng mga biyahe kaugnay ng paggunita ng Semana Santa, may mga pasaway na namang drayber na buking sa paggamit ng ilegal na droga.
Sa random drug test sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), ang pinakamalaking terminal sa bansa, dalawang bus drivers ang nag-positive sa drugs.
Ang dalawang drayber ay mula sa grupo ng 123 drivers na isinailalaim sa drug test nitong Lunes.
Ayon sa isang driver, naimpluwensyahan siya ng mga kaibigan nu’ng Linggo ng gabi at ngayo’y nahihiya na sa pamilya.
Matapos magpositibo, kinumpiska ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang driver’s license at isasailalim sa imbestigasyon. At kapag nag-positive sila sa confirmatory test ng Department of Health, masu-suspend ang kanilang lisensya sa loob ng isang taon at mag-a-undergo ng rehabilitation.
Taun-taon na lang may nagpopositibong bus driver sa drugs, hindi pa rin naiisip na puwedeng malagay sa alanganin ang buhay ng maraming pasahero.
Kaya apela sa kinauukulan gawin na sanang regular ang drug testing hindi lang sa mga bus driver kundi maging sa iba pang drayber ng PUV.
Sa mga matitigas ang ulo na drayber, mas mainam na tuluyan na o bigyan ng mas mabigat na parusa.
Comments