top of page
Search
  • BULGAR

Drug syndicate, kinengkoy lang ang drug war ni P-Duterte

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | February 27, 2021



DDS, HINDI NAWAWALAN NG PAG-ASA O HINDI NANINIWALANG HINDI TATAKBONG PANGULO SI MAYOR SARA?—Matapos sabihin ulit ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbong pangulo sa 2022 election, sinabi ng mga DDS na hindi sila nawawalan ng pag-asa na magbago ng pasya ang anak ni P-Duterte.


Hindi nawawalan ng pag-asa o hindi sila naniniwalang hindi tatakbo sa presidential election si Mayor Sara?


Ganyan din ang ginawang diskarte ni P-Duterte noon, aayaw-ayaw kuno, pero sa huli ay kumana rin sa pagka-pangulo, period!


◘◘◘


PARANG SINABI NG PNP NA PDEA ANG MAGBEBENTA NG DROGA—Depensa ng Quezon City Police, lehitimo ang buy-bust operation nila dahil coordinated sila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at may dala silang boodle money na pang-buy-bust, pero hindi nila alam na tauhan pala ng PDEA ang katransaksiyon nila na humantong sa barilan at pagkamatay ng dalawang pulis, isang PDEA agent at isang PDEA asset.


Ganu’n? Nakupo, sa tema ng salita ng pulisya, parang sinabi na rin nila na PDEA ang magbebenta ng shabu, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


DRUG WAR NI P-DUTERTE, KINIKENGKOY LANG NG MGA DRUG SYNDICATE?—Sabi ni PDEA Director Wilkins Villanueva, walang katotohanan ang sell-bust ang parte ng PDEA dahil bawal ito at tulad ng Quezon City police, buy-bust din ang ginawa ng mga taga-PDEA, kaya’t ang duda niya na sinang-ayunan din ni PNP Chief Gen. Debold Sinas, sindikato ng ilegal na droga ang may pakana ng “misencounter”, na mistulang pinaglalaruan ng drugs syndicate ang mga awtoridad.


Pinaglalaruan ng sindikato ng ilegal na droga? Ibig sabihin, kinikengkoy lang ng mga drugs syndicate ang drug war ni P-Duterte? Buwisit!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page